At gaya nga ng inaasahan ni Apple ay nalungkot si Denise nang magpaalam siya na aalis na sila ni Angelo at titira na sa bahay nina Aiden. Hindi lang pala ito nalungkot, kung hindi umiyak pa. “Bakit pa kayo aalis kung pwede naman kayong tumira dito? At saka hindi ko naman kayo pinapaalis, ah.” Napakamot siya sa kanyang pisngi nang umiyak na naman ito. Kung gaano ka masayahin ang isang tao ay gano’n din kababa ang luha nito. “Hindi naman pwede ang gano’n, Mom,” sabi ni Dylan saka hinawakan ang magkabilang balikat nito para patahanin ang ina. “Bakit hindi pwede? Pwede ‘yon!” giit nito. “Pwede silang tumira dito habang buhay. Hindi naman natin sila pinapaalis, ah, saka hindi din tayo naniningil sa kanila ng upa o kaya pambayad ng kuryente at tubig.” Napabuntong-hininga ang binata. “What I

