Hinawakan ni Aiden ang batok ni Apple para mas pailalimin pa ang paghahalikan nila. Napakapit naman siya sa balikat nito habang nakapikit at dinadama ang halik nito. Kahit kailan ay nakakalasing ang halik nito. Kahit kailan ay hindi nagbago, nararamdaman niyang puno ng pagmamahal ang halik na binibigay nito sa kanya. Kaya nga hindi siya makapaniwala na palabas lang ng binata ang nangyari noon sa resort dahil nararamdaman niya sa bawat halik at haplos ng binata na totoo ang pinapaikita nito sa kanya. Nagsimula nang maglakbay ang kamay nito sa kanyang katawan dahilan para mapaungol siya. Pumasok ang kamay nito sa loob ng kanyang damit at bahagyang minasahe ang kanyang dibdib dahilan para makaramdam siya ng init sa katawan. Kahit may suot pa siyang bra ay nararamdaman niya ang init na nagmu

