Chapter 132

2118 Words

Dumaan na ang kalahating oras, hanggang sa naging isa, at mas lumampas na nga. Ang kalahating oras ay dumaan at naging gabi na. Hindi maiwasan ni Apple na mainis kay Aiden dahil ang sinabi nito ay nandito na ito sa bahay nina Dylan kalahating oras lang. Pero gumabi na lang ay wala pa din ang kumag. Para siyang baliw na nag-aabang dito. Napapatingin pa siya sa pinto sa tuwing bumubukas ito pero nadidismaya lang siya kapag hindi ang binata ang nakikita. Hindi na siya nakatiis ay lumabas na siya para abangan ito sa harap ng bahay. “Baka naman na-traffic lang.” Bigla siyang napatingin sa likod niya nang marinig niya ang boses ni Dylan. Papalapit ito sa kanya. “Anong na-traffic? Anong pinagsasabi mo diyan?” maang-maangan niya. Ayaw niyang ipakita sa binata na hinihintay niya ang kaibigan ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD