HINDI nagtagal ay nagsimula na din ang party nang magpakilala ang birthday celebrant. Hindi maiwasan ni Apple na mapatitig dito habang nagsasalita ito dahil sa mahaba at blonde nitong buhok. Hindi nito tinanggal ang mask nito pero alam niyang gwapo ito dahil sa kulay asul nitong mga mata, halatang may lahi. Mahusay din itong magsalita ng Inglis. Kung nakikita lang siguro nito ang maganda nitong mukha ay baka nagkagulo na ang mga dalaga na nasa party. Pero kahit naka-maskara ito ay hindi pa rin nito naiwasan ang pag-usapan ng mga kababaihan. “Baby!” Napatingin sila sa babaeng lumapit sa kanila. Sa boses pa lang nito ay alam na nilang ang mommy ito ng binata. Niyakap nito si Dylan. “I’m glad that you make it.” “Paano mo nalaman na nandito kami? Na ako to?” tanong ng binata. “Of course ma

