Malungkot na nakatingin si Aiden sa kwarto kung nasaan naroon ang mag-ina niya. Kakahatid niya lang kay Angelo at nasa loob na siya ng kotse niya ngayon pero hindi pa din siya umaalis sa harap ng bahay ng mga Dewis. Ginabi na sila nang uwi ng anak niya dahil naaliw sila masyado sa pamamasyal at paglalaro sa arcade dahilan para pagalitan naman siya ni Apple pag-uwi nila. Galit ito dahil nag-aalala ito sa anak. Kanina pa kasi ito tumatawag sa kanya pero hindi niya nasagot dahil naiwan niya ang cellphone sa kotse niya. Pero kahit na pinapagalitan siya nito ay hindi niya maiwasan na maging masaya. Ayos lang kahit galit o pagalitan siya nito basta kinakausap siya nito. Masaya na siya. Malungkot na napabuntong-hininga siya. Napatingin siya sa labas nang may marinig siya na katok. Nakita niya si

