Chapter 10

1907 Words
“Tulungan na kita diyan, Apple.” Gulat na napatingin si Apple kay Aiden nang lumapit ito sa kanya saka umupo sa maliit na bangko na nasa harap niya. “Ano? Huwag na. Ako na dito, kaya ko naman ‘to, eh.” “Don’t tell me, akala mo hindi din ako marunong maglaba? Sinabi ko naman sa ‘yo, ‘di ba na—” Pinaikotan niya ito ng mga mata. “Na gumagawa ka din ng mga gawaing bahay?” Ngumiti ito sa kanya. “Iba ang paghuhugas ng pinggan sa paglalaba. May washing machine kayo kaya madali lang, samantalang ito, kinakamay. Baka mamaya magkasugat-sugat pa ‘yang maganda mong kamay.” “I don’t care. Mas mabuti nga ‘tong tumutulong ako sa ‘yo para alam ko din. Para maranasan ko din ang mga ganitong bagay.” “Ewan ko sa ‘yo. Ang tigas-tigas din ng ulo mo, Aiden.” Napakunot-noo siya ng ngumiti ang loko. “Bakit? Anong nginingiti mo diyan? Gusto mo hampasin kita ng sabon?” Bahagya itong natawa. “Ang sadista mo.” “Ano ngang nginingiti mo diyan?” “Nothing.” Umiling-umiling ito. “Natutuwa lang ako kasi tinawag mo na din ako sa pangalan ko.” Napakamot naman siya sa pisngi saka napaiwas nang tingin dito. “Napag-isip-isip ko din kasi kagabi na tama naman ang sinabi mo. Baka mas lalong magtaka sina mama kapag tinawag kitang Sir. Teka, nagpakilala—” Hindi na niya natuloy ang sinasabi nang bigla itong lumapit sa kanya. “A-anong ginagawa mo?” Inilapit nito ang mukha sa kanya. Hinaplos nito ang pisngi niya, hindi. Parang pinunasan nito ang pisngi niya. “May bula kasi sa mukha mo.” “Ahh…” Napa-poker face siya ng hindi pa rin ito lumalayo sa kanya. Hanggang ngayon ay magkalapit pa rin ang mukha nila. “Pwede ka nang lumayo.” “Bakit gano’n?” “Anong bakit gano’n?” Napakunot-noo siya nang pinasadahan nito nang tingin ang mukha niya saka tumitig sa mga mata niya. “Bakit hindi man lang namumula ang mukha mo kahit ganito na kalapit ang mukha ko?” Mas lalo siyang napa-poker face. Inilayo niya ang mukha nito sa kanya kahit may bula pa ang kamay niya. “Sinabi ko naman po,” talagang diniinan niya ang salitang po. “na hindi ako kikiligin hangga’t hindi ang lalaking mahal ko ang gumagawa nito.” Pinunasan ni Aiden ang basa sa mukha nito. “Kahit talaga maliit, wala kang nararamdaman sa akin?” “Wala nga po.” Napatigil siya sa pagsasabon sa mga damit saka napatingin dito. “Huwag mong sabihin…” Napatakip siya sa bibig, pero hindi naman nakadikit ang kamay niya sa bibig niya dahil may sabon ang kamay niya. “nahuhulog ka na sa akin. May gusto ka na sa akin?” Nanlalaki ang mga mata niya. Tumawa ang binata na ikinaikot ng noo niya. “Huwag masyadong maging assuming, Rural.” Tumawa pa ito na ikinaismid niya saka nagpatuloy sa paglalaba. “Sinisigurado ko lang na wala ka talagang nararamdaman para sa akin.” “Sinabi ko naman sa ‘yo, Thompson, Zero out of Ten na magkakagusto ako sa ‘yo. Zero!” diin niya dito. “Ibig sabihin walang chance na magkakagusto ako sa ‘yo kaya makakahinga ka ng maluwag, at makakatulog ka ng mahimbing, okay?” Ngumiti ito. “That’s good to hear.” Tinulungan na siya sa pagkuso ng mga damit. “Anyway, pwede pa rin naman tayong maging magkaibigan after this contract ends, right?” “Oo naman. Wala pa ring magbabago maliban sa tatawagin kitang Sir Aiden ulit.” “Yeah.” Napatingin siya sa binata dahil parang humina ang boses nito. Masama ba ang pakiramdam nito? Napailing na lang siya. “Siya nga pala, sinabi mo ba kina mama na amo kita?” “No. Nagpakilala lang ako sa kanila na boyfriend mo.” Napabuntong-hininga siya dahilan para mapatingin sa kanya ang binata. “Bakit?” “Hindi ko kasi alam kung hanggang kailan ko kayang magsinungaling kina mama. Nagi-guilty kasi ako.” Napatingin siya dito nang hawakan nito ang kamay niya. “Isipin mo na lang na ginagawa mo ito dahil ayaw mong makasal sa taong hindi mo naman mahal. Isipin mo na hindi ka magiging masaya kapag nangyari ‘yon. Minsan kasi hindi din masama na maging makasarili ka din, lalo na kapag alam mong hindi ka talaga magiging masaya. “Alam ko, balang araw maiintindihan din ng mga magulang mo kung bakit mo kinailangan na magsinungaling at alam ko hindi din sila papayag kapag nakita nilang hindi ka masaya. Nakikita ko kasi kung gaano ka nila kamahal. How I wish ganyan din ang maisip ng mommy ko kung nakita niyang hindi ako magiging masaya kapag ipinakasal niya ako sa iba,” dagdag pa nito. “Bakit pala hindi mo subukan na sabihin sa mommy mo na ayaw mo? Malay mo naman hindi siya pumayag.” Ngumiti ito. “Do you think I didn’t try that?” Napabuga ito ng hangin. “Sinubukan ko na, pero ang iniisip niya ay matutunan ko din siyang mahalin kapag kasal na kami.” Tumawa ito. “Ironic, right?” Naiiling ito. “Gusto na niya kasing magkapamilya ako at magkaapo kaya lahat gagawin niya para lang maikasal ako.” “Hirap naman pala ng sitwasyon niyong mayayaman.” “Yeah. Kami lahat ng kaibigan ko ay pini-pressure nila na magpakasal na. Well, si Ice pa lang ang kinakasal sa amin. Si Zaver naman, may anak na pero hindi naman niya mahanap ang mag-ina niya. While me, I’m still waiting for the right girl to come. Sina Wyatt at Dylan naman… nah! Mukhang walang balak ang dalawang ‘yon na lumagay sa tahimik.” Tinulungan na siya ng binata na magsampay sa mga nilabhan nila. “Siya nga pala, mamasyal tayo mamaya sa plaza pagkatapos natin dito. Gusto din sana kitang ilibot dito sa amin.” “Sige.” Nang matapos na sila ay nagbihis na sila para umalis. Nagpaalam siya sa mga magulang niya. Naglakad-lakad lang sila dahil mas gusto ni Aiden na mas makita ang lugar nila. Habang naglalakad sila ay napaptitig siya sa binata. Kahit mayaman ito ay may pagka-simple lang ito. Hindi din maarte at may alam din sa mga gawaing bahay. Kung isang mayaman man na lalaki ang nakatadhana sa kanya, sana katulad din ito ni Aiden. Sana meron din itong ugali na kagaya ng binata, hindi maarte at simple lang. Sana siya na lang.   Bigla siyang napatigil sa paglalakad sa naisip niya. Wala sa sariling napatakip siya sa bibig niya. Anong sinabi niya? Napatitig siya sa likod ng binata. Mukhang hindi nito namalayan ang paghinto niya dahil nagpapatuloy pa rin ito sa paglalakad. Bakit hinihiling niya na sana ang binata na lang ang lalaking pinapangarap niya? Napahinto si Aiden saka napalingon-lingon sa paligid dahil doon lang nito napansin na wala na pala itong kasabay sa paglalakad. Napalingon ito sa kinaroroonan niya. “Apple!” Napatingin siya dito at nanlaki ang mga mata niya dahil parang slowmo at kumikinang ang binata habang papalapit ito sa kanya. Hindi maaari! Mas lalo siyang nagulat. “Ayos ka lang ba?” tanong nito nang tumigil na ito sa harapan niya. “Bakit ka huminto? May masakit ba sa ‘yo? Masama ba ang pakiramdam mo?” Nakita niya ang pag-alala sa mukha nito. Ngumiti siya dito. “Sana ikaw na lang.” Kumunot ang noo nito. “Anong sana ako na lang?” Natawa siya saka nagsimula nang maglakad. “Ang sabi ko, sana katulad mo din ang lalaking mamahalin ko balang araw.” Napalingon naman siya dahil hindi ito sumunod sa kanya. Nakita niyang natigilan ito saka nagulat sa sinabi niya. “A-anong ibig mong sabihin?” “Ano nga ba? Hmm…” Napahawak naman siya sa baba niya saka nag-isip at mayamaya ay ngumiti dito. “Gusto ko kasi ang ugali mo. Kahit mayaman ka, simple ka lang naman, mabait, tapos may alam pa sa mga gawaing bahay. Minsan ka na lang makakahanap ng lalaking gano’n ngayon. I wonder kung ganyan din siya.” “Sinong siya?” Inilagay niya ang kanyang dalawang kamay sa likod saka ngumiti. “Ang lalaking mamahalin ko.” Tumalikod na siya. “Tara na.” Nauna na siyang naglakad. Sana talaga katulad ni Aiden ang lalaking para sa kanya. Kahit gusto niya ang ugali ni Aiden ay ayaw niya pa rin ito dahil alam niyang hindi magiging madali ang buhay niya kapag nagkataon. May ina pa itong hindi niya alam kung ano ang ugali. Baka mamaya matulad siya sa mga napapanood niyang nobela kung saan minamaltrato ng ina ng lalaki ang babae. Brrr! Ayaw niyang mangyari iyon sa kanya. Nagulat siya at napatingin sa binata nang pinagsiklop nito ang mga kamay nila. Napatingin siya ulit sa magkahawak nilang kamay saka sa binata. Nakatingin lang ito ng diretso sa daan habang nakangiti. “Bakit mo ba biglang hinahawakan ang kamay ko?” Kukunin na sana niya ito pero mas hinigpitan ng binata ang pagkakahawak sa kamay niya. “Aiden!” may pagbabanta niyang tawag dito. “Let’s stay like this.” Natameme siya sa sinabi nito. “Baka isipin nilang hindi talaga tayo mag-boyfriend-girlfriend kasi hindi tayo magkahawak kamay.” Napa-ahh naman siya. Sabagay, may tama din ang sinabi nito. Hindi na siya umangal pa. Baka mamaya bigla nilang makasalubong ang mga tauhan ni Don Alberto. Mukhang hindi pa nito alam ang pagbabalik niya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ito pumupunta sa bahay nila o baka naman alam na nito. Imposible din naman kasi na hindi pa nito alam lalo na’t marami nang nakakakita sa kanya. Sigurado siyang may nakapangsabi na dito. Ang pinagtataka niya ay kung bakit hindi pa rin ito pumupunta sa bahay nila? Nalaman kaya nito na kasama niya ang binata sa pag-uwi kaya hindi na nito itutuloy ang kasal? Sana nga, para hindi na siya mag-isip ng kung anu-ano. Inaamin niya kinakabahan siya kapag naiisip niya na isang araw pumunta ang mga ito sa bahay nila. Napatingin siya sa binata nang pisilin nito ang kamay niya. “Anong iniisip mo?” “Ha?” Napatingin siya sa daan. “Iniisip ko lang kung bakit hindi pa din pumupunta sina Don Alberto sa bahay namin. Imposible naman na hindi pa nila alam ang pagbabalik ko.” “Baka hindi na nila itutuloy ang kasal kasi alam na nila may boyfriend ka na.” Maliit siyang ngumiti dito. “Sana nga.” NAGTAKA si Aiden kung bakit bigla na namang huminto si Apple. Napatingin siya sa dalaga na gulat na nakatingin sa unahan. Tiningnan naman niya ang tinitingnan nito. Nakita niya ang isang binata na gulat din na nakatingin kay Apple. “Noah.” Napatingin siya ulit sa dalaga saka sa binata ulit. So, ito pala si Noah. Ang lalaking ipapakasal kay Apple. Tiningnan niya ito ng mabuti. Not bad. “Noah, sandali!” Nagulat siya sa sigaw ng dalaga. Tumingin ito sa kanya. “Sandali lang, Aiden.” Hindi pa man siya nakakapagsalita ay binitawan na ni Apple ang kamay niya. Napatingin siya sa kamay niyang naiwan sa ere. Ano itong nararamdaman niya? Bakit pakiramdam niya ay iniiwan na naman siya dahil sa iba? Wala sa sariling napatingin siya kay Apple na hinabol ang binatang tumatakbo. Bakit? Bakit niya nararamdaman ito? Bakit iniwan siya ni Apple para sa lalaking ‘yon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD