Nagmamadaling pumunta sa hospital si Aiden nang tumawag sa kanya ang mga magulang ni Agatha at sinasabing dinala ito sa hospital dahil sinumpong na naman ito ng sakit nito. Halos hingalin siyang tumakbo papalapit sa mga ito. Nakita niyang nakayakap ang ginang sa asawa nito at umiiyak na naman ito. Hindi niya din naman masisi ang ginang kung palagi na lang itong umiiyak sa tuwing sinusugod sa hospital ang anak nito. Kahit sinong magulang ay mag-aalala sa mga anak nito, lalo na kung nagkakasakit ito. “Tita, kumusta po si Agatha?” agad niyang tanong dito nang tuluyan siyang makalapit sa mga ito. Pinunasan nito ang pisngi gamit ang hawak nitong panyo. “Nagpapahinga na siya sa kwarto, Hijo. Sabi ng Doctor ay kailangan niya munang mai-confine dito para mas matutukan siya lalo na ngayon na nap

