Nandilim na ang paningin ni Apple at hinayaan na malunod ang sarili sa dagat. Gusto na lang niyang mawala sa mundong ito para matapos na ang lahat ng paghihirap niya. Sa kabila nang pagmamahal na binigay niya sa binata ay ito lang ang makukuha niyang kapalit mula dito. Napakasakit ng nararamdaman niya ngayon na mas pipiliin na lang niyang kitilin ang sariling buhay. Napangiti na lang siya nang pumasok sa isip niya ang mga alaala nila noon. Nang pumasok siya sa bahay nito bilang isang katulong. Ang araw kung saan siya nito in-offer-an na maging fake girlfriend nito hanggang sa tuluyan na ngang nahulog ang loob nila sa isa’t-isa. Mas lalong dumurugo ang puso niya nang maaalala ang mga masasayang araw nila habang magkasama sa resort na ‘to. Hindi niya inaasahan na ang lahat pala nang ipina

