Ilang araw na lang ay uuwi na si Apple sa kanila at ilang araw na din simula nang huli niyang makausap si Aiden. Hindi niya alam kung busy ba ito kaya hindi nito magawa siyang tawagan o i-text man lang. Dalawang araw na siyang naghihintay sa binata pero kahit tawag o text man lang ay wala. Ni hindi na nga ito pumupunta sa kwarto niya para man lang dalawin siya. Hindi niya din ito nakikita at sa tuwing pumupunta naman siya sa kwarto nito ay wala ito doon. Napabuga siya ng hangin. Dapat ay masanay na siya na hindi kasama ang binata dahil alam niyang busy’ng tao ito. Gaya noong nagtatrabaho pa siya sa bahay nito, ilang araw itong hindi umuuwi dahil sa isang business trip. Limang taon naman niyang hindi nakasama ang binata at nakayanan niya ‘yon, pero bakit ngayon na isang linggo lang silang

