“Nakakainis talaga!” sigaw ni Wyatt saka inisang lagok ang hawak nitong baso na may lamang alak. Gumuhit sa ngalangala nito ang pait at init nang alak na ikinapikit nito nang mariin. Pabagsak na inilapag nito ang baso sa counter. Mabuti na lang at hindi agad nabasag ang baso sa lakas nang pagbagsak nito. “Hoy, kawawa naman ‘yong baso,” saway ni Dylan sa kaibigan saka napangiwi. “Sa baso mo binubuntong ang galit mo na wala namang kinalaman sa problema mo. Inosente kaya siya.” “Eh, saan ko ibubuntong? Sa ‘yo?” Mas lalo siyang napangiwi. “Eh, bakit sa akin? Ako ba ang magpapakasal sa ‘yo? Ako ba ang nagsabi na kailangan mong pakasalan si Madison? Ha?” “Bakit ba kasi pinipilit nila akong pakasalan ang babaeng ‘yon? Hindi ko siya gusto at mas lalong ayaw ko pangmatali! I want to be free for

