Halos buong maghapon na nasa kwarto lang si Apple ni Aiden. Hindi siya hinayaan nito na lumabas dahil medyo masakit pa din ang bandang gitna niya. Hindi din siya hinayaan ng binata na maggagalaw. Ito lang ang gumagalaw at ang tanging ginagawa niya lang ay ang maupo, magpahinga, o humiga. Ito na ang nagsisilbi sa kanya kahit sa pagkain. Pakiramdam niya ay tinuturing siya nitong bata. Nakaupo siya sa sofa habang nakahiga naman si Aiden sa hita niya at sabay silang nanoood ng TV. Habang nakatutok sa TV ay hinahaplos niya ang mahaba nitong buhok. “Bakit pala ang haba na ng buhok mo, Aiden?” tanong niya dito. Sa pagkilala niya sa binata ay hindi nito hinayaan na humaba nang ganito kahaba ang buhok nito noon. Tumingin naman ito sa kanya. “Pangit ba? Hindi ba bagay sa akin?” Ngumiti siya saka

