Nang bumukas ang elevator ay lumabas na ang tatlo. Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil sa sumasakit ito. Hindi siya nakagalaw sa kinatatayuan niya, pakiramdam niya ay dumikit na ang mga paa niya sa sahig kaya hindi niya ito maihakbang. Hindi niya inaakala na sa muling pagkikita nila ng binata ay masasaktan siya ng ganito. Tumulo na lang ang luha niya. Akala ba niya ay wala siyang pakialam kung may mahal na itong iba o kung may pamilya na ito, eh, eh bakit ngayon nasasaktan siya? Kahit anong tatag at tapang ang ilagay niya sa puso niya ay masasaktan pa din talaga siya dahil ang lalaking hanggang ngayon na mahal niya ay may mahal ng iba. Ang mas masakit pa ay ang bago nitong minahal ay ang babaeng gusto ng ina nito para sa binata. Sigurado siyang tuwang-tuwa ang mommy nito dahil sa wakas

