“F*ck off!” madiin nitong sabi saka hinila si Apple patayo at napayakap na lang siya dito dahil sa lakas nang pagkahila nito sa kanya. “Wait, wait. Sino ka ba?” Napatayo na din ito. “Kilala mo ba siya?” “Ha?” Napatingin siya kay Adam na nakaturo sa binatang nakahawak ngayon sa kamay niya. Naramdaman niya ang inis nito dahil sa higpit nang pagkakahawak nito sa kanya. Napatingin naman siya dito at gano’n na lang ang paglunok niya nang mariin nang makita ang pagtiim ng bagang nito. “A-Ano…” “Of course, she knows me.” Napalunok na naman siya dahil sa lamig ng boses nito. “I’m her husband.” Nagulat si Adam sa sinabi ng binata, lalo na siya na hindi na magawa ang magsalita. Sinong hindi magugulat sa pinagsasabi nitong wala namang katotohanan? “Is that true? I thought you’re alone.” Iyon din

