Dumaan ang buong araw na hindi naman nakita ni Apple si Aiden. Mukhang hindi pa din ito dumadating hanggang sa sumapit na nga ang gabi. Nasa restaurant sila ni Dylan na nakikita ang labas nito, gawa kasi sa glass ang haligi nito kaya nakikita nila ang nasa labas. Nakikita niya ang entrance ng resort mula sa kinauupuan nila ng binata at hindi niya maiwasan na mapatingin doon kapag may naririnig siyang tunog ng sasakyan. Sinasabi niya sa sarili na huwag hintayin ang binata pero iba ang ginagawa ng katawan niya. Para itong may sariling isip at hindi nakikinig sa kanya. Nababaliw na naman ba siya sa binata? Ganitong-ganito din kasi siya noon nang nasa bahay pa siya nito nagtatrabaho. Halos hindi siya makatulog kapag alam niyang hindi pa nakakauwi ang binata. Gusto niyang kutungan ang sarili

