Kumurap-kurap ang mga mata ni Apple dahil sa naging tanong ni Aiden. Hindi niya alam o ma-gets kung bakit napatanong sa kanya ng gano’n ang binata. Dahil sa sobrang gulat niya ay hindi agad siya nakasagot pero kahit hindi siya sumagot ay alam na niya kung ano ang magiging sagot niya sa sarili. Syempre mas gusto niya si Aiden dahil ito ang lalaking mahal niya. Gano’n lang naman ang naging reaksyon niya kay Xander kanina dahil hinahangaan niya ang gwapo nitong mukha. Kung baga nagugwapohan lang siya dito. Pero hindi ibig sabihin na nagugwapohan siya dito ay may gusto na agad siya dito. Hindi naman kasi siya gano’n kadali magkagusto sa mga lalaki, lalo na kung mukha ang pagbabasihan. Ni hindi nga siya nagkagusto noon kay Aiden kahit pa dalawang taon na niya itong nakikita. At isa pa, bakit

