Hinawakan ni Aiden ang kamay ni Apple dahilan para mapahinto siya sa paglalakad. “Apple, can we talk? Please.” Napabuga siya ng hangin saka humarap dito. Tiningnan niya ito nang walang gana. “May kailangan ka po ba, Sir Aiden?” Nagulat ang binata sa tinawag niya dito. Medyo nasanay na kasi si Aiden na tinatawag ito ni Apple sa pangalan nito at walang halong Sir. Hindi niya din masisisi ang dalaga dahil sa maling ginawa niya noong nakaraang gabi. Hindi niya lang ito nasaktan, napaiyak niya pa ito na ikinasisi niya ng lubos. Ito naman ang napabuga ng hangin. “I just want to talk to you about what happen the other night.” Ilang beses na siya nitong sinubukang kausapin at ilang beses na din niya itong iniiwasan. Hangga’t maari ay ayaw niyang makausap ang binata lalo na kung ang pag-uusapa

