“So, ayon na nga.” Binaba ni Apple ang milkshake na ininom niya pagkatapos niyang magkwento sa nangyari nang gabing ‘yon. Pakiramdam niya ay tumuyo ang lalamunan niya dahil sa pagkukuweto. “May dahilan ako kaya nagalit ako sa kanya pero wala akong nakikitang dahilan para magalit siya sa akin at gawin niya sa akin ‘yon. Tss! Kakaiba. Siya pa talaga ang may ganang magalit sa akin no’n, eh, siya naman ang may kasalanan.” Napatango-tango naman si Dylan habang nakikinig sa kanya. “Alam mo, hindi pa rin talaga ako makapaniwala na ginawa at nasabi ‘yon ni Aiden. Well, knowing him.” “Knowing him!” Napabuntong-hininga siya saka nalungkot. “Kahit ako man ay nagulat sa ginawa at sinabi niya. Baka nga kung hindi nangyari sa akin ‘yon mismo ay hindi ako maniniwala, pero wala, eh. Nakita mismo ng mga

