Kumunot ang noo ni Apple nang may tumatawag sa cell phone niya. Hindi naka-phone book ang number nito dahilan para magtaka siya. Hindi niya ito kilala at wala naman siyang maisip na binigyan niya ng number niya. Ayaw man niyang sagutin ay sinagot niya pa rin. Baka kasi importante o kaya ang pamilya niya ang tumatawag at nakikitawag lang ang mga ito. Kung sino man ito o kung bakit ito tumawag ay hindi niya alam. Kung prank naman ito ay papatayin niya agad ang tawag. “Hello. Sino ‘to?” tanong niya nang sagutin niya ang tawag. “Ito po ba si Apple D. Rural?” Kumunot ang noo niya dahil hindi niya kilala kung sino ito. Isa itong lalaki at pormal naman kung makipag-usap ito. Mukhang hindi naman ito prank at kilala siya nito. “Ito nga. Sino ‘to?” “Delivery boy po ako. May package po kayo dito

