Chapter 13

1967 Words
“Birthday na pala ng papa mo bukas, Apple?” tanong ni Aiden kay Apple. “Anong magiging handa niyo bukas?” Nagpatuloy lang sila sa paglalakad. Muli niya kasing pinasyal ang binata dahil naudlot noong isang araw dahil sa hindi niya inaasahan na makita at makausap si Noah nang araw na ‘yon. “Hmm, simpleng hapunan lang.” Napatingin ito sa kanya at bahagyang nagulat. “Hindi kayo maghahanda?” “Hindi.” Napatigil ito sa paglalakad dahilan para mapatigil din siya at mapatingin dito habang nakakunot ang noo. “Bakit?” “Anong bakit?” Nagtataka na siya sa inaasta nito. “Bakit hapunan lang? I mean, hindi ba kayo maghahanda ng marami? Hindi ba kayo mag-iimbeta ng mga kaibigan niyo o—” “Hindi kami kagaya niyo na mayaman, Aiden.” Natigilan naman ito sa sinabi niya saka siya napabuga ng hangin. Mukhang hindi naman prumeno ang bibig niya. “Wala kaming pera o pam-budget para mahanda ng marami. Wala akong budget para doon dahil halos lahat ng sweldo ko ay kasya lang sa gamot at pang-araw-araw ng pamilya ko.” Bahagya siyang ngumiti dito. “Isa pa, hindi naman mahalaga kung marami kaming handa o wala basta ang importante sa amin ay magkakasama kami ng pamilya ko. Buo, malusog, at masaya. Yon lang,” dagdag pa niya. Muli na silang naglakad at hindi na nagsalita pa. Nakaramdam tuloy siya ng awkward. Hindi siya sanay na tahimik sila. Napaisip siya na baka nasaktan na naman niya ang damdamin nito. Napabuga siya ng hangin. Totoo naman kasi. Hindi sila kasing yaman ng binata na kayang maghanda ng marami at mag-imbeta ng maraming tao. Mahirap lang sila at wala pang pera. Napatingin siya sa unahan ng makita ang isang cart kung saan may nagtitinda ng mga streets food. Hinawakan niya ang kamay ng binata. Ayaw niyang maging awkward sila. “Tara, bili tayo.” Hinila niya ito papunta sa nagtitinda. “Kumakain ka ba nito?” Turo niya sa fish ball na niluluto pa ng tindero. “Kind of.” Napangiwi siya sa sagot nito. “Sort of.” “Ano ba talaga?” “Maniniwala ka ba kapag sinabi ko na kumakain kami ng mga kaibigan ko ng ganyan?” Kumuha ito ng stick saka tumusok ng squid ball. “Noong nag-aaral pa kami, may nagtitinda ng ganito sa harap ng school namin at kumakain kami ng mga kaibigan ko nito.” Napangiti ito sa naalala. “Ang dami nga ng nauubos namin, eh.” “Hindi ba sumasakit ang tiyan niyo?” tanong niya saka kinain ang isang isaw. “Sumasakit sa kabusugatan.” “Hindi ‘yon.” Sinawsaw na naman niya sa sauce ang isa pang-isaw. “Ang ibig kong sabihin, ‘di ba sa inyong mayayaman hindi kayo pinapakain ng mga magulang niyo ng ganito kasi madumi kahit hindi naman.” “Hindi.” Napatitig siya sa binata. “Hindi naman kasi lahat ng pagkain malinis. Kahit pa galing pa ‘yan sa isang five star hotel. Isa pa, sobrang sarap kaya nito. Isa ito sa mga paborito namin ng mga kaibigan ko.” Napangiti siya dahil kahit sandali pa lang silang nagkakasama ng binata ay unti-unti niya itong nakilala. Bigla naman siyang napaisip na paano kaya kung natapos na ang kontrata nila? Magiging ganito pa rin ba sila ka-close? Yong tipong parang hindi sila amo at katulong. Napatingin siya sa pagkain niyang hawak saka lihim na napabuntong-hininga. Kung kailan matatapos ang pagpapanggap nila ay hindi niya alam pero hangga’t hindi pa dumadating ang araw na ‘yon ay susulitin niya muna ang mga araw na kasama ang binata. “Ito na po bayad namin.” Binigay ni Aiden ang isang libo sa tindero. “Wala po ba kayong mas maliit dito? Wala po kasi akong panukli nito.” Napakamot sa ulo ang tindero. “Ayos lang po. Just keep the change.” Pareho sila ng tindero na nanlaki ang mga mata. Hindi naman kasi umabot sa Three Hundred ang kinain nila pero One Thousand ang binayad ng binata at keep the change pa daw. Lihim niyang siniko ang binata dahilan para mapatingin ito sa kanya. “Seryoso ka ba diyan? Kung wala kang barya, meron naman ako dito.” Bubuksan na sana niya ang pitaka niya ng pigilan siya ng binata. Napatingin siya dito. Ngumiti lang ito sa kanya. “Ayos lang.” Tumingin naman ito sa tindero. “Sa inyo na po talaga.” Hinila na siya ng binata dahilan para hindi na makaangal ang tindero. “Hoy! Baka mamaya singilin mo ako sa binayad mo kay manong. Wala akong pera, Aiden.” “Bakit ba palagi mo na lang pinoproblema ang pera?” Binitawan nito ang kamay niya saka sabay silang naglakad papauwi. “Palaging problema ng mahihirap ang pera. Isa pa, alam ko kahit kailan ay hinding-hindi mo poproblemahin ang pera kasi marami ka no’n. Eh, ako?” Tinuro nito ang sarili. “Kahit man lang ang makapagtapos ng pag-aaral ay kailangan namin ikayod.” “I’m sorry.” “Bakit ka naman nagso-sorry?” Napaiwas siya nang tingin dito dahil nahihiya na naman siya sa nasabi. Minsan talaga gusto na niyang I-seal forever ang bibig niya pero ikakamatay naman niya kapag hindi siya nakapagsalita ng isang araw. “Dapat nga ako ang nagso-sorry, eh. Hindi ko naman sinasadya ang sinabi ko.” “It’s okay. Anyway, what you said is true.” Mas lalo siyang na-guilty. “Hindi naman namin kasalanan na mayaman kami at madaming pera, pero hindi din naman kasalanan ng mga mahihirap kung mahirap sila. Minsan kasi kahit anong kayod mo para umangat sa buhay, may humahatak talaga sa ‘yo pababa. Minsan kasi kahit anong hanap mo sa pera ay hindi pa rin ‘yan mananatili sa ‘yo. Kailangan mo pa ring bitawan kasi kailangan.” Tumingin ito sa kanya saka ngumiti. “Kaya minsan mas maganda kung hindi palagi trabaho ang iniisip mo. Isipin mo din ang mag-enjoy.” Dahil sa sinabi nito ay naisip niya na simula ng magtrabaho siya ay hindi niya naranasan na mag-enjoy kasi ang palaging nasa isip niya ay kailangan niyang magtrabaho at kumita ng pera para sa pamilya niya lalo na sa ama niyang may sakit. Hindi din naman niya masisi ang sarili. Sabi nga ng binata, kailangan. LUMABAS ng kwarto si Apple habang humihikab pa. Napatingin siya sa sala at nakita na nandoon ang mga kapatid niya. Naglilinis ng bahay at nag-aayos sa mga kurtina. Napakunot-noo siya. “Anong meron?” nagtataka niyang tanong. “May bisita ba tayong dadating?” “Oo, Ate. Madami!” masayang sabi ni Clarissa. “Ha? Sino at bakit?” Lumapit sa kanya si Andy dahilan para mapayuko siya. “Nakalimutan mo na ba, Ate? Ngayon ang birthday ni Papa.” “Oo nga, ngayon nga.” Hindi naman niya ‘yon nakakalimutan, eh. “Pero hindi ko alam na madami pala tayong bisita na dadating. Isa pa, anong ipapakain natin sa mga bisita natin gayong wala naman tayong handa?” “Hindi mo na dapat pang-alalahanin ‘yon, Ate.” Napatingin siya kay Clarissa. Kumindat ito sa kanya. “Si Kuya Aiden na ang bahala.” Mas lalong nangunot ang noo niya at napatingin sa paligid. Hinahanap ang binata pero hindi niya ito makita. “Anong si Aiden na ang bahala?” “Si Kuya Aiden na daw ang gagasto para sa birthday ni Papa,” masayang sabi ni Clarissa. “Ang bongga ng boyfriend mo, Ate. Ang yaman.” HParang wala siyang naiintindihan sa sinasabi nito. Parang hindi pa rin nagsi-sink in sa isip niya ang sinasabi nito. Napatingin naman siya kay Andy nang magsalita ito, “Oo nga, Ate. Sabi pa ni Kuya Aiden ay magpapa-lechon siya. Ang galing!” Pumapalakpak pa ito sa tuwa. “Nasaan si Aiden?” Sa dinami-dami ng sinabi ng mga kapatid niya ay ‘yon ang lumabas sa bibig niya. “Umalis sila ni Mama. Namalengke.” “Si Papa?” “Nasa kapitbahay natin at nakikipagkwentohan.” Ang aga naman nakipagkwentohan ng papa niya. “Nag-uusap sila tungkol sa boyfriend mo.” “Oo nga. Ang sabi nila ang swerte mo daw kay Kuya Aiden kasi mayaman.” Lumapit sa kanya si Clarissa saka bumulong, “Alam mo bang maraming kababaihan sa atin ang inggit na inggit sa ‘yo, Ate. Feeling niya gusto na din nila makapunta sa Maynila para makahanap ng mayaman at gwapong boyfriend.” Wala sa sariling napasapo siya sa noo. Anong akala ng mga ito? Gano’n lang kadali ang makahanap ng mayaman at gwapong boyfriend? Isa pa, hindi naman siya pumunta ng Maynila para lang maghanap ng mayaman. Napapailing na lang siya. Kung alam lang ng mga ito kung ano talaga sila ni Aiden. Tinulungan na niya ang mga kapatid niya sa paglilinis at mayamaya pa ay dumating na ang ina niya at si Aiden. Agad niyang tinulungan ang ina nang makitang madami itong bitbit. “Bakit parang ang tagal niyo ata, Ma?” Kaninang umaga pa kasi ito umalis at magtatanghalian na ng umuwi. “Pumunta pa kasi kami ni Aiden sa bayan para maghanap ng baboy para ipa-lechon.” Natigilang siya sa sinabi nito. “Hindi na sana ako papayag pero nagpumilit siya. Nakakahiya man ay wala akong magawa. Masyadong makulit ang boyfriend mo.” Tumingin ito sa kanya saka ngumiti. Tinapik nito ng isang beses ang balikat niya. “Napakabait ni Aiden, Anak, at ang swerte mo sa kanya.” Ngumiti lang siya dito at hindi na nakasagot. Hindi din naman kasi niya alam kung anong sasabihin, eh. Alam niyang masasaktan ang ina niya kapag nalaman nito na nagpapanggap lang pala sila ng binata. Lihim siyang napabuntong-hininga. “Tulungan mo na lang si Aiden sa labas at marami pang mga cellophane do’n.” “Sige po, Ma.” Lumabas na siya ng bahay at nakita niya ang binata na maraming binaba mula sa tricycle at may nakakarton pa. Napailing naman siya dahil mukhang nasobrahan ata sa paggastos ang binata. Binayaran na nito ang driver saka umalis ang tricycle pagkalapit niya. “Ano ba ‘to, Aiden?” Napalingon sa kanya ang binata. “Apple.” Ngumiti ito. “Bumili ako ng mga ingredients para sa birthday ng papa mo mamaya.” “Bakit?” Napakunot-noo ito. “Anong bakit?” “Bakit mo ‘to ginagawa?” Hindi ito nakasagot. “Hindi mo naman ito kailangang gawin. Isa pa, hindi ko kayang bayaran ang mga ito sa ‘yo.” “Shhh…” Nagulat siya ng sapuin nito ang mukha niya. “Huwag mo ng isipin ang pera. Isa pa, hindi ko ito sinisingil sa ‘yo. Ginusto ko ‘to. Gusto kong handaan si Papa.” Nagulat siya dahil papa na din ang tawag nito sa papa niya. “Gusto ko lang suklian ang kabaitan niya sa akin.” “P-pero—” Inilapat nito ang daliri sa bibig niya para patahimikin siya. “Wala ng pero-pero, okay? Masaya ako na napapasaya ko ang pamilya mo.” Kinindatan siya dito saka umalis habang bitbit ang mga pinamili nito. Napatitig siya sa likod ni Aiden at wala sa sariling napahawak sa dibdib. What the heck? Bakit bigla na lang bumilis ang t***k ng puso niya? Bakit kakaiba na ang nararamdaman niya para dito? Malakas niyang sinapo ang sariling mukha. “Ano bang iniisip mo, Apple? Alam mo naman kung ano talaga kayo ni Aiden. Hindi ka pwedeng magkagusto sa kanya? Hindi ba wala kang gusto sa kanya?” Napatingin iya sa binata kung saan nakikita niya ang masayang binata na nakikipag-usap sa mga kapatid niya. Napahawak na naman siya sa bandang dibdib niya. “Hindi pwede, Apple. Hindi pwede itong nararamdaman mo. Nagpapanggap lang kayo. Hindi mo siya pwedeng mahalin dahil nasa kontrata niyo ‘yon.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD