Nagulat siya ng dinala siya ni Aiden sa isang mamahaling restaurant. Nabasa niya ang pangalan na nakalagay sa harap nito. The Palace. Nanlaki ang mga mata niya. Kaya pala pinagbihis siya nito ng maganda dahil dito. Napalunok siya. Kung ang kaning damit ang suot niya ang suot niya ngayon ay siguradong siya ang pinagtitinginan ng mga tao ngayon dahil sa pangmahirap niyang suot. “Anong ginagawa natin dito?” bulong niya dito habang papasok sila. “Wala akong pera, sinasabi ko sa ‘yo, Aiden.” “Sino naman nagsabi sa ‘yo na ikaw ang magbabayad? It’s my treat.” Napanguso siya. “Ang dami ko ng utang sa ‘yo.” “Bakit mo ba palaging nililista ang mga binibigay ko sa ‘yo? Can you just accept it without even thinking that it was a debt? It’s always my treat for you,” sabi nito habang diretso lang ito

