Kinabukasan ay nagising si Apple dahil sa pagyugyog ng anak niya. “Mama, wake up. It’s already morning. Don’t be such a lazy.” Patuloy pa din siya nitong niyugyog. Idinilat niya ang mga bata. Bumati ito ng magandang araw kaya bumati din siya. Humalik ito sa pisngi niya. Napatingin siya sa relo na nasa bedside table para makita kung anong oras na. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang alas-syete y medya na. Napabangon naman siya saka napahawak sa ulo. Nakikitira lang sila sa pamamahay nina Dylan pero ang tagal niyang gumising. Baka mamaya maisip ng mga ito na masyado siyang tamad at matagal gumising. Matagal din kasi siyang nakatulog kagabi dahil sa dami ng iniisip niya kaya matagal siyang nagising ngayon. Kung hindi siya ginising ng anak ay hindi niya alam kung anong oras na siya magi

