MABILIS na dumaan ang oras at gabi na. Normal lang naman ang buong araw ni Apple. Wala namang kakaibang nangyari sa kanya ngayon. Hindi naman niya nakasalamuha ang dalawa dahil umalis ito kanina. Papasok na sana siya sa maids quarter nang tawagin siya ni Gretchel. “Pinapatawag ka daw ni Madam sa study room.” Kumunot ang noo niya saka napatingin sa relo. Alas-otso y medya na ng gabi. Oras na din ng pahinga nila. “Bakit daw?” Nagkibit-balikat ito. “Hindi ko din alam, eh. Basta ang sabi ni Danicca ay pinapatawag ka ni Madam sa study room.” Tumango lang siya dito saka naglakad papunta sa study room. Hindi niya lubos maisip kung bakit siya pinapatawag nito nang ganitong oras at sa study room pa talaga. Hindi niya alam pero parang kinakabahan siya. Pakiramdam niya ay may hindi magandang mang

