Malakas na napabuntong-hininga si Apple nang maibaba niya ang cell phone. Katatawag lang ni Aiden sa kanya at pinapaalam nito na nasa Bagio ito ngayon dahil may hindi inaasahang nangyari sa kaibigan nito. Mahigpit na nakahawak siya sa cell phone habang nakatingin sa malayo, iniisip ang binata. Pagbalik na pagbalik ng binata ay sasabihin na niya ang matagal nang bumabagabag sa loob niya. Natatakot man siya pero alam niyang kailangan din itong malaman ng binata. Hindi habang buhay ay maitatago niya ito. “Apple, nandiyan sa labas ang crush ni Gretchel,” sabi ni Yna nang makalapit sa kanya. Sinadya nitong lakasan ang boses nito para marinig talaga ni Gretchel ang sinasabi nito. Napakunot-noo siya dahil hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. “Oh, bakit sa akin mo sinasabi ‘yan? Bakit hind

