bc

SIN WITH MY FATHER-IN-LAW

book_age18+
98
FOLLOW
1.1K
READ
billionaire
dark
forbidden
contract marriage
HE
age gap
arranged marriage
kickass heroine
heir/heiress
drama
sweet
bxg
office/work place
enimies to lovers
musclebear
actor
like
intro-logo
Blurb

❗️Warning❗️

This novel is intended for mature readers only (🔞).

It contains scenes of violence, explicit séxual content, strong language, emotional trauma, and dark, sadistic themes. Enter a world where, revenge, passion, desire, pain, and betrayal collide in a dangerously addictive forbidden romance. If you're uncomfortable with morally gray characters, disturbing situations, or emotionally intense storytelling, this book may not be for you.

=

📙Disclaimer This story is a work of fiction. All characters, names, locations, organizations, and events portrayed in this novel are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, businesses, places, or events is purely coincidental.

===

Blurb:

Viral ang katatapos na kasal nina Macy at Jace… pero hindi dahil engrande ang kanilang wedding. Hindi rin dahil isa silang perfect couple na parehong sikat at hinahangaan ng publiko.

Si Jace ang nag-iisang tagapagmana ng bilyon-bilyong assets ng kanilang pamilya, habang si Macy, isang labingwalong-taóng-gulang na sikat na modelo, ay itinuturing na isa sa pinakamagandang bagong mukha sa industriya.

Ngunit sa mismong gabi ng kanilang kasal, isang iskandalong hindi inaasahan ng sinuman ang kumalat. Nahuli si Macy na kasama ng kaniyang father-in-law sa isang pribadong silid.

Sa isang iglap, ang kanilang perpektong kasal ay naging pinakamalaking iskandalo sa kanilang pamilya. Pero ang mas nakapagtataka… bakit parang walang pakialam si Jace sa lahat ng nangyari? Habang kabi-kabila ang masasakit na salita laban sa kanilang pamilya, nanatiling tahimik si Jace. Samantala, araw-araw na kinakaharap ni Macy ang mapanuring mga mata ng publiko. Hindi na niya halos magawang lumabas nang hindi nakaririnig ng masasakit na salita.

“Malandi!”

“Walang delikadesa!”

”Pati biyenan, pinatulan!”

“Napakahiya!”

Kahit saan siya magpunta, tila hinahabol siya ng eskandalo. Ngunit tiniis ni Macy ang lahat. Ang kahihiyan, panghuhusga at mga matang puno ng pandidiri. Dahil may isang lihim siyang pilit na pinoprotektahan.Isang lihim na kapag nalaman ng lahat ay maaaring tuluyang magbago ang buhay ng lalaking pinakamamahal niya.

At habang patuloy na nagpapanggap si Jace na walang nangyari, isang malaking katanungan sa isipan ng lahat... ano nga ba ang katotohanan?

Hanggang kailan ni Macy kayang tiisin ang mapanghusgang mundo para protektahan ang isang lihim na maaaring sumira sa kanilang lahat? Dahil sa likod ng pinakamalaking iskandalo ng kanilang pamilya ay may isang katotohanang mas ipinagbabawal kaysa sa kasalanang pinaniniwalaan ng lahat.

chap-preview
Free preview
Mahal Ko si Jace, Ngunit May Mahal Siyang Iba💔
=== One Day Before the Wedding... Naririnig ko ang mga ungol at daing mula sa loob ng pribadong silid. At bawat ingay na iyon ay tila kutsilyong paulit-ulit na humihiwa sa puso ko. Nasasaktan ako. Sobra. Pero wala akong magawa kundi tiisin ang lahat. Magkababata kaming dalawa ni Jace. Lumaki kaming magkasama, kaya kilalang-kilala namin ang isa’t isa. Alam ko ang mga gusto niya, ang mga ayaw niya, pati ang mga bagay na hindi niya kailangang sabihin para maintindihan ko. At alam ko rin ang isang bagay na matagal ko nang pilit tinatanggap. Hindi talaga ako ang babaeng gusto niya. Mula pa noon, hindi kailanman naging ako ang hinahanap ng puso niya. Pero mahal ko siya. Kaya hinayaan ko siyang gawin kung saan siya tunay na masaya. Kahit ako ang nasasaktan. Kahit ako ang unti-unting nauubos. At ngayon, isang araw bago ang kasal namin, dapat ay kaming dalawa ang magkasama. Dapat ay wala nang ibang tao sa paligid namin. Ngunit narito ako, nakaupo sa labas ng pribadong silid, habang si Jace ay kasama sa loob ang taong tunay niyang minamahal. Pumikit ako at pinilit lunukin ang sakit. Ayokong marinig. Ayokong isipin. Kaya kinuha ko ang remote control at nilakasan ang volume ng telebisyon hanggang sa halos hindi ko na marinig ang mga tunog mula sa loob. “Hindi ko sila naririnig,” bulong ko sa sarili ko. “Walang ingay tahimik.” Sabi ko pero sino ba ang niloloko ko… ang sarili ko? At kahit gaano ko pa lakasan ang TV, hindi ko kayang patahimikin ang sarili kong isip. Isang oras ang lumipas. Hanggang sa marinig ko ang pagbukas ng pinto. Napalingon ako. Lumabas si Jace. Pawisan siya, ngunit ang pinakamasakit sa lahat? Nakangiti siya... masaya. Parang wala lang sa kanya na naroroon ako. Parang hindi niya ako sinasaktan. Parang hindi ako ang babaeng pakakasalan niya kinabukasan. “Bakit gising ka pa?” tanong niya na para bang ordinaryong gabi lamang iyon. Hindi ako nakasagot. Hindi nagtagal, lumabas din ang kanyang pinakamamahal. Si Macky. Ang tanging kaligayahan niya. Pawisan din ito habang marahang inaayos ang sarili. At bago pa man ako makaiwas, sa mismong harapan ko ay lumapit si Macky kay Jace at hinalikan siya. Napapikit ako. Pakiramdam ko ay biglang tumigil ang mundo. Hanggang… tumalikod na lang ako. Ayokong makita. Ayokong malaman kung gaano nila kamahal ang isa't-isa. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala. Mas pinili niya si Macky kaysa sa akin. Sa kabila ng maraming taon na magkasama kami. Sa kabila ng lahat ng ginawa ko para sa kanya. Sa kabila ng pangakong binitiwan ko. At higit sa lahat... Sa kabila ng katotohanang bukas ay ikakasal na kami. Napapikit ako habang pilit pinipigilan ang mga luhang gustong kumawala. Mahal ko si Jace. At marahil iyon ang pinakamasakit na katotohanang kailangan kong tanggapin. Dahil minsan, kahit gaano mo kamahal ang isang tao... hindi ikaw ang may hawak ng desisyon. - Si Jace ang nasa likod ng mabilis kong pagsikat. Lahat ng tinatamasa ko ngayon, ang kasikatan, mga oportunidad, at buhay na hindi ko kailanman mararating… kundi dahil kay Jace. Kaya dapat kong ingatan ang sikreto namin. Isang lihim na kaming dalawa lamang ang nakakaalam. Mahal ko si Jace. At dahil mahal ko siya, gagawin ko ang lahat para maprotektahan siya. Nagpaalam ako sa kanya na uuwi ng bahay, ngunit hinawakan niya ang braso ko. “Macy, doon ka umuwi sa mansion, kasi hindi tayo maaaring magsama ngayong gabi sa iisang babay. At dito ako sa penthouse maturulog. Muling sumakit ang puso ko, hanggang sa huling gabi ng pagkabinata niya ay si Macky ang kasama niya. “Sige, aalis na ako…” “Wait, pakiasikasuhin mo si Daddy Douglas, ngayon ang dating niya mula sa Europe.” “S-Sige.” Tipid na sagot ko. Iniwan ko na sila at sumakay na ako ng kotse ko. Hindi mawala sa isipan ko ang bilin ni Jace, bakit ako ang inutusan niya na umasikaso kay Tito Douglas? Samantalang alam na alam niya na manyak kung makatingin ang lalaking ‘yon. Hindi ko makakalimutan noong ipinakilala ako ni Jace bilang fiancee, kakaiba kung makatingin ang matandang ‘yon. Parang hinuhubaran ako kung tumitig, ang sabi din ni Jace babaero si Tito Douglas, at mahilig sa mga kaedad ko. Actually, hindi pa naman tunay na matanda dahil thirty eight years old pa lamang ang edad. Ikalawang asawa ng namatay na ina ni Jace na si Tita Olga. Pero hindi talaga ako komportable na asikasuhin ang matandang ‘yon. Naipilig ko ang aking ulo, at mas binilisan ang pagmamaneho mukhang uulan dahil panay ang kulog at kidlat. May kababaan ang lugar na parteng madadaanan ko kaya hindi ako dapat abutan ng malakas na ulan. Makalipas ang kalahating oras, saktong bumuhos ang malakas na ulan mabuti papasok na ako sa mataas na gate ng mansion Fuentevedra. Deritso ako sa basement parking, pagbaba ko ay inabot ko agad sa panggabing guard ang car key at matapos magpasalamat ay pumasok na ako sa loob ng elevator. Subalit nagulat ako nang sumara ang pinto ng elevator... may naramdaman akong init sa aking likuran. At nahindik ako nang may brasong pumalibot sa aking katawan. Gusto ko siyang sigawan, itulak palayo at sampalin dahil sa kamanyakan niya… subalit napasinghap na lamang ako ng madama ang hininga niya sa leeg ko. “Sweety, nasaan si Jace at nag-iisa ka?” “N-Nasa penthouse po niya. Sagot ko na halos hindi ko marinig ang sarili kong boses. Nang bumukas ang elevator ay agad niya akong hinila palabas, “come with me may pasalubong ako sayo alam ko magugustuhan mo.” Masaya niyang pahayag. “Um… ‘wag na po, i-ibigay mo na lang sa g-girlfriend mo.” Nauutal kong sagot bago mabilis na naglakad palayo at agad na pumasok sa kwarto ko. Ang buong akala ko ay natakasan ko na siya ngunit hindi pa man lang sumara ang pinto ay pumasok din siya at agad na ni-lock iyon. “Macy, gusto mong ipaalam ko sa lahat kung anong klaseng lalaki ang pakakasalan mo?” Nanigas ako sa aking narinig, ibig bang sabihin alam din niya ang lihim ni Jace? “A-Ano po ang ibig mong sabihin, Tito Douglas?” Malakas ang kaba habang naghihintay ng sagot niya. “‘Wag kang magpakasal sa kanya kung gusto mong manatili ang lihim niya.” Malamig ang boses niya. Hindi muna ako sumagot, unti-unting nakaramdam ako ng galit, humarap ako sa kanya. “Tinatakot n'yo po ako, Tito Douglas?” Inis kong tanong. “Hindi, bakit ko naman gagawin ‘yon, sinasabi ko lang ang totoo, kapag hindi mo ako pinakinggan ano sa tingin mo ang mangyayari kay Jace kapag may iba pang makaalam ng tunay niyang pagkatao?” “Hindi ko kakanselahin ang pagpapakasal sa kanya, mas mapapahiya siya kapag tumalikod ako.” galit kong sagot. “Fine! Pero may dalawang option ka, here basahin mo, bukas pagkatapos ng kasal, hihintayin kita… sweety, bye.” “Hindi ako sisipot…” “Alam kong darating ka dahil hindi mo kakayang mapahiya si Jace kapag may nakaalam ng kanyang sikreto.” Kumuyom ang kamay ko sa sobrang inis, akmang magsasalita pa ako pero sumara agad ang pinto… wala na siya. === 🚨 NEW STORY ALERT! 🚨 A brand-new story is waiting for you! ❤️‍🔥📖 Please add it to your library now and don’t miss a single chapter! Thank you so much for your love and support! 🥰✨

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
2.1M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
857.5K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
2.1M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
1.0M
bc

A Warrior's Second Chance

read
393.3K
bc

Not just, the Beta

read
366.1K
bc

The Broken Wolf

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook