“Bakit mo ba ako gustong pakasalan?” nangingiting tanong ni Christine kay Matthew. Kapwa silang nakaupo ngayon sa may damuhan sa ilalim ng isang matayog na puno ng mangga. Nakasandal ang likod niya sa matipunong katawan ni Matthew at ang ulo naman niya ay sa parteng dibdib nito. Damang-dama nila ang may kalamigang simoy ng preskong hangin na marahang umiihip. Napangiti si Matthew sa tanong ni Christine sa kanya. Mula sa likod, mas lalong humigpit ang yakap niya sa bewang ng kasintahan. “Gusto ko kasi na habang buhay kitang mahalin saka mayakap at mahagkan kita ng ganito kahit kailan ko man gustuhin,” malambing na sambit ni Matthew at hinalikan niya ang tuktok ng ulo ni Christine. Napangiti naman ang huli sa sinabi ng nobyo. Napangiti si Christine ng wala sa sarili nang maalala ang usapa

