WAVES OF REGRETS EPISODE 67 IT’S YOU SABRINA AIK’S POINT OF VIEW. Mahigpit ang paghahawak ko ngayon sa beywang ni Maverick. Ang bilis niya kasing magpatakbo sa kanyang motor na para bang may humahabol sa amin kahit wala naman. Hindi naman siguro kami mahahabol ni Kuya Driver kanina dahil sinuntok siya ni Maverick sa mukha kanina at kaagad itong nakatulog sa lakas ng pag suntok ni Maverick. “Mave, saan ba tayo pupunta?” muli kong tanong sa kanya. Sinulyapan niya lang ako at nginisihan bago muling pinaharurot ang kanyang motor kaya mas lalo akong napayakap sa kanya at napapikit na rin sa aking mga mata sa takot. Jusko naman! Ayoko pang mamatay kami ni Maverick sa aksidente ngayon dito sa daan! Hindi pa nga kami kinakasal dalawa kaya huwag na muna. “Maverick, hinay-hinay n

