WAVES OF REGRETS EPISODE 66 WEDDING SABRINA AIK’S POINT OF VIEW. “Ang ganda mo sobra, Ma’am Sabrina!” Napakurap ako sa aking mga mata at nag angat ng tingin kay Lie nang sabihin niya iyon sa akin. Bahagya akong ngumiti sa kanya at matamlay na tinignan ang repleksyon ko sa salamin. Nakasuot na ako ngayon ng wedding gown at tapos na rin akong make-up-an sa aking mukha at ayusan ng buhok. Naghihintay na lang kami ng signal ngayon para maka alis kami at makapunta na sa venue ng kasal namin ni Ace. Si Lie lang ang ang empleyado ko sa kompanya ang nakaka alam na ikakasal na ako ngayon, well, pati rin naman si Maverick pero wala na rin anman siyang paki alam sa akin kaya hindi ko siya babanggitin at iisipin dahil mas lalo lang akong masasaktan. “Nakakalungkot dahil hindi man lang makakapu

