WAVES OF REGRETS EPISODE 65 ELOPE SABRINA AIK’S POINT OF VIEW. Hindi mawala sa aking isipan ang mga sinabi ni Gabriella sa akin. Tagos iyon sa aking puso at hindi rin mawala sa aking utak. Bukas na ako ikakasal kay Ace at natatakot na ako sa mga mangyayari. Napagpasyahan kong hindi na muna ako papasok sa trabaho dahil ayokong makita si Maverick. Walang ibang nakaka alam maliban kay Lie na secretary ko tungkol sa kasal namin ni Ace bukas. Simple lang ang aming kasal dahil gaganapin ito sa isang private beach resort na pagmamay-ari ng mga Manlangit. Nakakulong lang ako rito sa aking kwarto at nakatulala ako sa may kisame at hindi ko alam ang aking gagawin. “Sabrina?” Napakurap ako sa aking mga mata at napatingin sa pintuan ng aking kwarto nang marinig ko boses ni Tita Jan

