WAVES OF REGRES EPISODE 38 Jealous Boyfriend SABRINA AIK’S POINT OF VIEW. Isang buwan na kaming magkasintahan dalawa ni Maverick. Naging maganda naman ang takbo ng aming relasyon at nararamdaman ko rin na seryoso siya sa akin. Hindi niya pa rin sinasabi na mahal niya ako. Gusto ko sanang tanungin iyon sa kanya pero natatakot naman ako, kaya nahihiya na rin ako na sabihin sa kanya na mahal ko siya. Siguro mas maganda kung ipakita na lang namin sa aming mga galaw ang aming nararamdaman? Hindi naman kailangan na maging vocal ka talaga, pwede naman tahimik lang kagaya naming dalawa ni Maverick. Mas naging busy rin kami sa aming mga trabaho sa kompanya. Nagsimula na ang project namin kasama si Ace kaya todo ang aming effort dahil gusto namin na maipakita na hindi sila nagkamali ng pa

