EPISODE 39 HE FINALLY SAID I LOVE YOU SABRINA AIK’S POINT OF VIEW. “Sabrina, pwede bang sabay tayong mag dinner pagkatapos ng work mo?” tanong sa akin ni Ace habang nakangiti. “A-Ah—” Hindi ko naituloy ang aking sasabihin nang may bigla na lang mabasag dito sa loob ng conference room. Nanlaki ang aking mga mata nang si Maverick pala ito. Nabasag niya ang kanyang hawak na baso at nakita kong may dugo sa kanyang daliri. Hindi ko mapigilan na mataranta at mag-alala sa kanya. “Maverick Santiago! Pumunta ka sa opisina ko ngayon na!” pagalit kong sabi sa kanya at muling nilingon si Ace at alanganin itong nginitian. “Ace, siguro next time na lang? Marami pa kasi akong work kaya hindi ko matatanggap ang invitation mo for dinner,” sabi ko sa kanya. Ngumiti si Ace at

