WAVES OF REGRETS EPISODE 40 TOXIC SABRINA AIK’S POINT OF VIEW. Sa isang relasyon hindi talaga mawawala ang alitan o ang selosan. Maganda naman ang takbo ng relasyon naming dalawa ni Maverick pero iyong pagiging selosa ko ay mas lalong lumala. Alam kong hindi ito maganda dahil wala naman akong dapat ipag-alala dahil mahal ako ni Maverick. Ilang ulit na niyang pinaparamdam sa akin na mahal niya ako at wala siyang ibang babae. Pero ako lang talaga ang may problema, masyado akong selosa at alam kong ito ang sisira sa amin ni Maverick lalo na ngayon na may bago siyang kasamahan sa kanyang team at masyado itong malapit sa kanya. “Sabrina, wala kang karapatan na ilipat si Kate sa ibang department! May ginagawa kaming project at may tinatapos kami! Babalik na naman kami sa umpisa dahil

