WAVES OF REGRETS EPISODE 41 CONFRONTATION SABRINA AIK’S POINT OF VIEW. “Anak, masaya ako na nakauwi ka na ulit dito sa probinsya. Busy na rin kasi ang Kuya Kai mo at palagi siyang nasa Davao, tapos nasa ibang bansa na rin si Kuya Baste mo pati na si Gabriel. Ang lungkot na namin ng Daddy mo rito sa mansion kaya labis ang tuwa ko nang makita kita ulit dito, anak.” Lihim akong napaismid sa sinabi ni Mommy sa akin. Talaga ba? Baka tuwang tuwa sila nang nawala kami rito kasi malaya na silang nakakapag sigawan at mag away araw man o gabi. “Kumusta ang trabaho mo roon sa Manila, Sabrina?” tanong sa akin ni Daddy. “Okay lang, Daddy,” maikli kong sagot sa kanyang tanong. Kumakain kami ng lunch ngayon dahil kakarating ko lang din dito sa mansion namin. Pagkatapos noong pagsa

