WAKAS MAVERICK’S POINT OF VIEW. “Good morning, Mr. Santiago!” bati sa akin ng mga empleyado rito sa SB Advertising Company. Ngumiti ako sa kanila at banati pabalik. “Good morning.” Isang buwan na ang nakalipas simula nang ikasal ako sa aking pinamaganda at pinakamamahal kong asawa na si Sabrina Aik Generoso Santiago. Pinaalam na rin namin sa buong kompanya ang tungkol sa relasyon namin pagkatapos ng honeymoon namin sa Maldives at pagbalik namin dito sa Pilipinas. Lahat sila ay nagulat sa nalaman dahil hindi sila makapiwala na may relasyon pala kami kahit noon pa. Napapaling na lang ako kapag maalala ang panakot ni Sabrina sa mga babaeng empleyado rito sa kanyang kompanya. “Walang pwedeng lumandi sa asawa ko rito, maliwanag?! Baka nakakalimutan ninyo ang ginawa ko sa b

