EPISODE 69 HONEYMOON SPECIAL WARNING: THIS EPISODE CONTAINS MATURE CONTENT THAT IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READING. READ YOUR OWN RISK. THANK YOU! SABRINA AIK’S POINT OF VIEW. “Sabrina, pwede naman na sa bahay na lang tayo manatili. Sasaya naman tayong dalawa kahit nasa bahay tayo,” sabi ni Maverick na kanina pa nag re-reklamo sa akin. Nabu-bwesit na talaga ako sa kanya! Panay siya reklamo tapos ngayon na ang flight namin papuntang Maldives. Iwan ko na lang kaya siya rito sa aiport tapos ako na lang mag isa na mag honeymoon? Pwede naman siguro iyon. “Ano ba, Maverick Santiago! Ngayon ka pa talaga nag re-reklamo na paalis na tayo? Iwan na lang kaya kita rito?!” inis kong sabi sa kanya. Nawala tuloy ang excitement ko sa honeymoon namin dahil napaka reklamador ng asawa ko.

