EPISODE 6 - MINE

1245 Words
WAVES OF REGRETS MINE EPISODE 6 SABRINA AIK’S POINT OF VIEW. Hinalikan niya ako pabalik. Bumigay siya sa akin. He really loves me. Nang bumaba ang halik siya sa may leeg ko ay doon na ako nagsalita at napatingin sa paligid dahil baka may makakita sa amin ni Mave, another issue na naman sa akin. Ayoko munang maging laman ulit ng mga balita sa mga chismosa, bago pa nga lang ako sa problema kay Jacob tapos ito na naman kay Mave. “Mave, umalis tayo dito ngayon,” mahina kong sabi sa kanya. Napatigil siya sa paghalik sa akin at binitawan niya rin ang pagkakahawak sa aking beywang. Nanlaki ang kanyang mga mata na parang ngayon lang napagtanto ang aming pag hahalikan. “S-Sab, I’m sorry—” “Shhh.” Nilagay ko ang aking daliri sa labi niya upang hindi siya makapagsalita. Namumula ang buo niyang mukha ngayon na parang nahihiya. “Gusto kong itakas mo ako rito sa campus. Umalis tayo rito, may alam akong shortcut palabas dito. May dala ka bang motor?” seryoso kong tanong sa kanya. Alam kong may motor si Mave dahil nakikita ko siya palagi na nag mo-motor. Sunod-sunod siyang tumango. “P-Pero may exam tayo ngayon, Sabrina,” mahina niyang sabi. Damn. Napasapo ako sa aking noo. Tama pala! May exam nga pala kami ngayon. Tinaasan ko siya ng kilay. “Hindi ako mag e-exam ngayon dahil wala ako sa mood. Bukas na ako mag e-exam. Hindi naman nila ako pwedeng ibagsak kasi ako ang anak ng may ari rito,” mataray kong sabi sa kanya. Napalunok siya sa kanyang laway. “R-Right,” he said. “Mag e-exam ka ba ngayon? Iwan mo na ako rito. Ako na lang ang aalis mag isa!” sabi ko sa kanya. Aakmang aalis na ako nang mahawakan niya ang akong braso kaya lihim akong napangisi at muling humarap sa kanya habang nakataas ang isang kilay. “Oh? Bakit mo ako pinipigilan?” tanong ko sa kanya. Napakamot siya sa kanyang ulo na parang hindi alam ang sasabihin. Hindi rin siya makatingin ng diretso sa aking mga mata. Itong lalaking ‘to! Akala mo talaga hindi nalaplap sa akin kanina! May pa hiya-hiya pa siyang nalalaman. “S-Samama ako sa ‘yo, Sabrina! Hindi kita hahayaan na umalis mag isa,” sabi niya sa akin. Ngumiti ako at mabis siya hinalikan sa kanyang labi at kinindatan siya. “Good choice! Let’s go na, baby.” Hinila ko na si Maverick paalis sa study shed habang siya naman ay natulala ulit at nagpahila lang siya sa akin. Marami akong alam na pasikot-sikot dito sa campus at madali lang kaming nakalabas ni Mave. Pumunta kami sa may sasakyan niya na naka parking malapit lang din sa campus. Umangkas ako kay Mave at pinaandar na niya ang kanyang motor at umalis na kaming dalawa. Hindi ko alam kung saan ko gustong pumunta kaya si Maverick na ang pina decide ko kung saan ang magandang puntahan at tumango naman siya. Habang nag da-drive si Mave ay nakayakap lang ako sa kanyang beywang at nakasandal sa kanyang likuran. Makalipas ang ilang minuto ay itinigil na niya ang motor at nilingon ako at sinenyasan ako na bumaba. Pagkababa ay napatingin ako sa paligid at nakita kong dinala niya ako sa isang beach resort na matagal nang nag closed. Kunot noo ko siyang hinarap at napahalukipkip. “Bakit mo ako dinala dito? Trespassing ito! Baka palabasin nila tayo rito. My Gosh, Maverick, may problema pa nga ako ngayon tapos dadagdag pa ito?! No! Alis na tayo!” Tumawa siya at hinawakan ang aking kamay at dinala niya ako sa isang cottage at pinaupo doon. Nakasimangot pa rin ako hanggang ngayon habang nakatingin sa kanya habang siya naman ay nakangiti sa akin. “Bakit mo ba ako dinala rito?” tanong ko sa kanya. Umupo siya sa aking tabi at napatingin sa mag dagat. “Tahimik kasi rito at walang mga tao kaya dito kita dinala. Diba iyan ang gusto mo?” sabi ni Mave sa akin. Napabuntong hininga ako at napatingin sa may dagat at ngumiti. “Yeah. This is what I want, and I am happy now,” mahina kong sabi at tumingin kay Mave. “Mabuti naman,” sabi niya at ngumiti sa akin. Muli kaming natahimik dalawa. Nakatingin lang ako sa dagat at ang ingay lang ngayon ay ang malakas na hampas ng alon. Hindi ako kinausap ni Maverick at nakatingin lang din siya sa may dagat. Makalipas ang ilang minuto ay nagsalita muli si Maverick na ikinaharap ko sa kanya. “Bakit mo ‘yon ginawa kanina, Sabrina?” tanong niya sa akin. Napakunot ang noo ko sa kanyang sinabi. “What do you mean?” tanong ko. Tinignan niya ako ng seryoso. “Ang paghalik mo sa akin kanina, bakit mo ginawa ‘yon? Hindi maganda ang humalik ng ibang lalaki habang may boyfriend ka pa, Sabrina,” sabi niya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at ngumuso. “Diba sabi mo na mahal mo ako?” tanong ko sa kanya. “Oo, mahal nga kita, pero alam ko kung saan lang ako, Sabrina. Ni-re-respeto ko pa rin ang relasyon mo kay Jacob.” seryosong sabi ni Mave sa akin. “Hiwalay na kami ni Jacob,” sabi ko sa kanya at humarap kay Mave. Nanlaki ang kanyang mga mata. Inayos niya ang kanyang suot na salamin at muling nagsalita. “K-Kaya ba umiyak ka kanina kasi naghiwalay kayo ni Jacob?” he asked. Tumawa ako nang malakas at umiling. “No! What the heck? Hinding-hindi ako iiyak sa isang lalaki, Mave, hindi mababaw ang luha ko,” sabi ko at nginisihan siya. Napatango siya. “G-Gano’n ba. Kaya… kaya ‘yong halik mo sa akin kanina, para saan iyon?” tanong niya sa akin gamit ang mahina niyang boses. Napatitig ako sa kanya. I don’t know what to answer. Bigla na lang pumasok sa isipan ko kanina na halikan si Mave. He loves me. He cares for me, and I want to try… I want to try to like him, to love him. “I want to try, Mave,” seryoso kong sabi habang nakatingin sa kanya. Kumunot ang kanyang noo. “Try? Try what?” “I want to give your feelings for me a chance. Alam kong matagal ka ng nahihintay sa akin at matagal mo na akong tinitiis. Hindi naging maganda ang trato ko sa ‘yo kaya gusto ko sanang bumawi,” seryoso kong sabi. “Sabrina—” “Let me be your girlfriend, Maverick Santiago. I want you to be my boyfriend. I want you, I want to own you. So, please, let me.” Hindi nakapagsalita si Mave. Nakatitig lang siya sa akin na parang hindi pa rin makapaniwala sa mga pangyayari. Lumapit ako sa kanya at hinaplos ang kanyang pisngi. Nilapit ko ang aking mukha sa kanya at hinalikan ang kanyang labi. “If you kiss me back, you’re mine and you can’t escape from me anymore,” mahina kong sabi habang nakatingin sa kanyang mga mata. Hahalikan ko ulit sana siya pero nagulat ako nang siya na ang humalik sa akin. Pumulupot ang kanyang mga braso sa aking beywang upang mas madikit pa ako sa kanya. Lihim akong napangisi sa nangyayari ngayon. Napapikit ako sa aking mga mata at kumapit sa kanyang leeg bago siya hinalikan pabalik. He’s my boyfriend now. Maverick Santiago is officially mine. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD