EPISODE 5 - TROUBLE

3008 Words
WAVES OF REGRETS TROUBLE EPISODE 5 SABRINA AIK’S POINT OF VIEW. “Come on, Babe! Sumama ka na sa akin. Hindi naman tayo magpapagabi masyado at ihahatid kita sa bahay niyo. Hindi malalaman ng mga magulang mo o pati ng Kuya Kai mo na iinom ka,” sabi ni Jacob habang niyayakap ako. Nanalo kasi sila sa basketball league kanina at mag ce-celebrate sila sa bahay nila Jacob mamaya dahil wala ang kanyang mga magulang. “Jacob, may exam ako bukas! Hindi pwedeng hindi ako mag study!” sabi ko sa kanya. Napasimangot siya. “Matalino ka naman, Babe! Sige na please? Ngayon lang, Babe. I need you to be there as my girlfriend,” pagmamakaawa niya. Napairap ako at tumango. Napasigaw naman siya at mabilis akong hinalikan sa aking labi. “Nice! I love you, babe! Sabay na tayo pumuntang bahay mamaya, sunduin kita sa room niyo,” sabi ni Jacob at nagpaalam na sa akin. Matamlay akong bumalik sa aming room at nakipag chikahan kay Gabriella at Amara. Nag message na rin ako kay Kuya Kai na late akong makakauwi at siya na muna ang gumawa ng alibi para hindi ako pagalitan ni Mommy. Alam ko naman na hindi ako pababayaan ni Kuya Kai kaya tutulungan niya ako. Nang umalis na ang professor namin ay kinuha ko na ang aking gamit at nagpaalam kay Gabriella at Amara na meron kaming pupuntahan ni Jacob. Nakita ko sa hindi kalayuan si Mave na nakatingin sa akin pero hindi ko siya pinansin. Diretso akong lumabas sa pintuan ng room namin at nakita ko kaagad si Jacob na naghihintay sa akin. Nang makita ako ni Jacob ay lumapit kaagad siya at umakbay sa akin. Tahimik na kaming naglakad papunta sa parking lot para makasakay sa kanyang kotse. Mayaman ang pamilya ni Jacob dahil kilala ang mga Caballero rito sa probinsya namin at sa ibang lugar dahil nasa politika ang pamilya niya. “Babe, kompleto ang tropa ko sa bahay ngayon,” sabi ni Jacob habang nag da-drive. Napakunot ang aking noo at napatingin sa kanya. “Pati sila Cassie?” tanong ko. Alanganin naman siyang tumango. “I’m sorry, Babe. Girlfriend kasi siya ni Jeffrey at kasama si Jeffrey sa team ko kaya hindi ko kayang paalisin si Cassie,” sabi ni Jacob. Hindi na lang ako nagsalita at napatingin na lang sa labas habang siya ay muling nag focus sa kanyang pag da-drive. Si Cassie ay kaibigan ko noong high school pero nilandi niya ang boyfriend ko no’n na si Rexel pero wala na si Rexel ngayon at wala na akong pakialam do’n. Nilandi ni Cassie ang boyfriend ko dati kaya naghiwalay kami at ngayon nang malaman niyang boyfriend ko si Jacob ay nilandi niya rin ito pero hindi nagpa dala si Jacob kaya hindi kami naghiwalay pero muntik na no’ng nalaman ko iyon kaya inis na inis ako kay Cassie kasi makati siyang babae at ahas. Nang makarating na kami sa bahay ni Jacob ay narinig ko kaagad ang malakas na tugtugan sa loob ng kanilang bahay. Taka kong tinignan ang boyfriend ko pero nginisihan niya lamang ako at kinindatan. Hindi pa nga nag ga-gabi pero nag sisimula na ang party! Jusko naman. Lumabas na kami ni Jacob sa kanyang kotse at inakbayan niya ako bago kami sabay na pumasok sa kanilang bahay. Binati kaaga siya ng kanyang mga kasamahan dahil nanalo sila sa kanilang basketball league. Nakipag plastikan din ako sa mga nakakasalamuha namin dito sa bahay ni Jacob. Gosh! Ang dami namang mga ayaw kong tao rito sa party nila Jacob. Kakayanin ko kaya hanggang gabi nang hindi nasasabunotan ang mga taong ito? Paano na lang kaya kapag nagpakita na si Cassie? “Babe, kumain ka muna,” bulong sa akin ni Jabob. Tumango naman ako at sumang-ayon sa kanyang sinabi. Ginutom na rin ako at alam kong marami silang pag kain kasi party ito, ‘no! Hindi pwedeng walang foods! Nasa may pool side ang mga bisita ni Jacob ngayon kaya walang mga tao sa kusina at kami lang dalawa. Makakakain ako ng mabuti nito! Ang daming mga foods pero wala man lang ni isang kumuha o tumikim! Puro talaga alak ang mga nasa utak ng mga taong nandito. “Mukhang gutom na gutom ka, Babe!” nakangisi niyang sabi habang nakatingin sa akin na kumain. “Sayang naman kung walang kakainin nitong mga handa niyo, Jacob! Tignan mo nga itong lechon manok oh, hindi man lang nagalaw!” nakasimangot kong sabi at muling kumain. Tumawa naman siya at tumabi sa akin. Kumain na rin siya kagaya ko kaya ginanahan pa ako lalo kumain. “Sabrina!” Napatigil kami sa pag kain ni Jacob nang marinig namin ang boses na iyon. Nag angat ako ng tingin at nakita ko ang impakta na si Cassie na pumasok sa loob ng kusina nila Jacob. Nakangisi siya ngayon habang nakatingin sa amin. “s**t. Nawalan ako ng gana kumain,” mahina kong sabi pero pinarinig ko pa rin kay Cassie kaya ang malaking ngiti niya ngayon ay bahagyang ngumiwi. Ayokong makipag plastikan sa ‘yo, oy! “Kumusta ka na pala, Sabrina?” tanong niya sa akin. Peke ko siyang nginitian. “Heto, maganda pa rin at mas sexy sa ‘yo,” sagot ko sa kanyang tanong. Nawala ang ngiti sa kanyang labi. Tumayo na ako dahil nawalan na talaga ako ng gana. Hinila ko na rin Jacob patayo at naglakad na kami papunta doon sa may pool side nila kung nasaan ang kanilang mga bisita. Malapit na rin mag gabi kaya mas naging wild ang mga tao rito. Binigyan ako ni Jacob ng maiinom na alak at agad ko rin itong kinuha at ininom. Nang dahil sa inis na naramdaman ko kanina at pagkairita sa presensya ni Cassie ay dinaan ko na lang ito sa pag inom nang alak hanggang sa parang nahihilo na ako. Nagsasayaw din ako ngayon at chini-cheer ako ng mga bisita ni Jacob. Si Jacob naman ay nasa tabi ko lang habang umiinom din ng alak. “Woah! Party! Party!” sigaw ko at umindak. “Sabrina, balita namin nagkakamabutihan na raw kayo ni Maverick Santiago!” sigaw ng isang babae na nagpatigil sa aking pag sayaw. Naghiyawan naman ang mga tao rito sa party na mas lalong ikinainis ko. Tinaasan ko siya ng kilay at nginisihan. “Bakit mo naman nasabi ‘yan sa akin? Hinding-hindi ako magkakagusto sa lalaking iyon kahit siya na lang ang matira sa mundong ito, hinding hindi ko siya papatulan!” sabi ko. Nahiyawan naman sila sa sinabi ko. Hinila ko papalapit sa akin si Jacob at hinalikan siya para maipakita sa mga impakta na nandito na hindi ako papatol sa Maverick na iyon, hinding hindi ko siya magugustuhan. “Sabrina!” Natigilan kaming lahat dito sa party ni Jacob nang marinig namin ang malakas na sigaw na iyon. Nanlamig ang buo kong katawan nang makita ko si Daddy at kasama niya sa kanyang likuran si Kuya na nakayuko. What the heck?! Bakit nandito si Daddy?! Napatingin ako sa ibang mga taong nandito at nakita ko rin ang takot sa kanilang mga mukha. Kilalang kilala nila ang daddy ko at malakas ang kanyang impluwensya sa mga tao at kayang kaya niyang ipakulong ang nandito sa party kung gusto man ni Daddy. “D-Daddy!” nauutal kong banggit sa kanya. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking braso ng mahigpit. Hinarap niya naman si Jacob na takot na takot ngayon sa Daddy ko. “Huwag mo ng lapitan ang anak ko! Kapag nalaman kong lumalapit ka pa rin sa anak ko, ako na makakalaban mo!” galit na sigaw ni Daddy at hinila na ako paalis doon sa bahay ni Jacob. Nakita ko rin na pinatigil na ni Daddy ang party at pinauwi ang mga bisita. Nang nasa loob na kami ng kanyang sasakyan ay pinagalitan na ako ni Daddy kaya wala akong nagawa kundi ang yumuko na lang at tahimik na umiyak. Mabigat din ang loob ko ngayon at naiinis ako kay Kuya Kai, siguro sya ang nag sumbong sa akin kay Daddy. I hate him! Nang makauwi na kami sa mansion ay mas lalo na akong kinabahan at natakot dahil ramdam ko pa rin ngayon ang matinding galit ni Daddy. Unang lumabas si Daddy sa kotse at tahimik kaming sumunod sa kanya ni Kuya. Nang makapasok kami sa loob ng bahay ay nakita ko kaagad si Mommy na mukhang hinihintay ang pag dating namin. Seryoso siyang nakatingin sa akin. Humakbang palapit si Mommy at labis akong gulat ko nang malakas niya akong sinampal sa aking mukha. Muntik akong ma out of balance, buti na lang nahawakan ako ni Kuya Kai kung hindi ay baka nakaupo na ako ngayon sa sahig sa lakas ng sampal ni Mommy. “You stupid girl! Bakit mo nagawa iyon, Sabrina?! Kailan ka pa natuto na mag inom at sumama sa mga party na iyon, huh?! Sagutin mo ako! Wala ka na talagang nagawang mabuti sa pamilyang ito!” galit na sigaw ni Mommy. Hindi ako makasagot. Hindi ako makapagsalita ngayon. Nakayuko lang ako habang nakahawak sa aking pisngi na malakas na sinampal ni Mommy. Tahimik akong umiiyak dahil nasasaktan ako, labis akong nasasaktan ngayon sa mga nangyayari. “Paano na lang kung hindi pumunta ro’n ang Daddy at Kuya mo? Anong mangyayari sa ‘yo, ah?! Maglalasing? Tapos anong mangyayari, mabubuntis ka?! Kasi hindi ka nag iingat! Kasi pasaway kang bata ka!” “M-Mom! Stop… stop it please…” Hindi ko na kaya… nasasaktan na ako ng sobra. Hindi ko na kayang makarinig pa ng mga masasakit na salita galing sa mga magulang ko. “From now on, hindi ka na pwedeng sumama sa Caballero na iyon. Kung boyfriend mo man ang lalaking iyon, hiwalayan mo na! matatanggal na siya bukas sa university at hindi na siya makakapag aral ulit doon.” Atomatikong nag angat ang tingin ko kay Daddy nang sabihin niya iyon. Mabilis akong napailing at muling umiyak. “D-Dad, wala po siyang kasalanan. Don’t do this to Jacob.” “Shut up! Siya ang may gawa ng party na iyon at mga bata pa kayo! Nalaman ko rin na may droga na nakapasok doon sa party kanina! Paano na lang kung nalasing ka nang sobra doon, Sabrina? Sigurado ka ba na walang mangyayaring masama sa iyo doon? Kilalang kilala mo ba ang lalaking iyon? ang mga taong nandoon sa party?” Hindi ako makapagsalita sa sinabi ni Daddy. Nagulat din ako nang sabihin niyang may nakapasok na droga sa party ni Jacob kanina. Oh my God! Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang pagkalasing ko pero parang nahimasmasan na rin dahil sa malakas na sampal ni Mommy sa akin at sa mga masasakit na salita na sinasabi nila tungkol sa akin. “From now on ay grounded ka, Sabrina Aik Generoso! Pagkatapos mo sa campus ay hindi ka na pwedeng gumala, diretso ka kaagad dito sa mansion! Hindi na ako makakapayag na gawin mo ulit iyon.” “Daddy!” Hindi niya ako pinakinggan. “Tobias, dalhin mo na si Sabrina sa kwarto niya,” malamig na sabi ni Daddy. Muli akong napaiyak at tinignan ang mga magulang kong nakatingin sa akin na parang ang sama sama ko ng anak sa kanila. Bakit ganun? Ang dami kong mga magagandang bagay na nagawa para maging proud sila sa akin pero kahit isa doon ay hindi nila nakita. Pero bakit kapag mali ko naman ay agad nilang napapansin at doon na nila eh ba-base ang sarili ko sa maling bagay na aking nagawa? Why the world is so unfair? I hate this! Hina akong nagpadala kay Kuya Kai paakyat sa aking kwarto. Nang makalapit na ako sa kwarto ko ay agad kong itinulak palayo si Kuya at tinignan ng masama. “Don’t touch me! You’re a traitor!” galit kong sigaw kay Kuya Kai. “Sabrina, ginawa ko ‘yon dahil ayokong may mangyaring masama sa ‘yo!” sabi niya sa akin. Ngumisi ako at umiling. “Really? Kailangan pa talaga na tawagin mo si Daddy para lang makauwi ako? Bakit hindi mo na lang kaya ako sinundo kanina ng tahimik at hindi itong mag susumbong ka sa mga magulang natin! Ano, masaya ka na ba dahil napagalitan nila ako? I thought you’re my ally, but I was wrong. You’re a traitor and I hate you!” “Sabrina!” Pumasok na ako sa loob ng aking kwarto at padabog na sinirado ito at ni-lock. Hina akong napaupo sa may sahig at doon umiyak nang umiyak. Naninikip ang aking dibdib ngayon. Hindi ako makahinga ng maayos. Nasasaktan ako ng sobra. Ako na lang palagi ang masama. Lahat ng mga galaw ko ay pinupuna na lang nila palagi. Wala akong nagawang tama. Hanggang kailan ko titiisin ito? Wala na akong kakampi sa bahay na ito. Gusto kong lumayas… gusto kong umalis at lumayo. “Sabrina, okay ka lang? Kanina ka pa namin kinakausap ni Amara pero hindi ka nakikinig.” Napakurap ako sa aking mga mata at napatingin sa dalawa kong kaibigan na si Gabriella at Amara. Nang makarating ako rito sa campus ay pinilit kong itago ang dinadala kong problema pero minsan ay nakakalimutan ko ito at bigla na lang na mapatulala. Humagikhik ako para hindi nila mapansin na may dinadala akong problema. “Sorry, girls! Naiihi na kasi ako. Punta na muna akong CR, ah? Kapag dumating ang prof natin sabihin niyo na lang na umihi ako,” sabi ko at patakbo na umalis sa aming classroom. Dinala ako ng aking mga paa sa may study shed na hindi malayo sa building ng department namin. Hindi ito nakikita dahil may malaking kahoy na nakaharang dito. Napaupo ako sa may bench doon at napayuko. Tahimik akong umiyak at pinalabas ang lahat ng tinatago kong sakit kanina lang. Kinuha ko rin ang sigarilyo sa aking bulsa na binili ko kanina sa labas ng campus. Wala akong pakialam kung may makakita man sa akin ngayon na naninigarilyo. I badly need this right now. “S-Sab?” Nanlaki ang aking mga mata at natigilan nang marinig ko ang boses na iyon. Mabilis akong napatayo at napaharap dito. Nakita ko si Mave na gulat na nakatingin sa akin. “What are you doing here?!” inis kong tanong sa kanya. Hindi niya ako sinagot. Nakatitig lang siya sa akin ngayon na parang binabasa ang aking iniiisip. Hindi ko mapigilan na mailang sa kanyang mga titig sa akin. “S-Stop staring me like that! Ano bang kailangan mo?!” muli kong tanong sa kanya. Hindi pa rin siya nagsalit. Bumilis ang pintig ng aking puso nang magsimula na siyang humakbang palapit sa akin. Natigilan ako nang bigla niyang agawin ang hawak ko na sigarilyo at inapakan ito sa kanyang paa. Galit ko siyang tinignan. Last stick ko na ‘yon! Hirap pa naman akong bumili ngayon dahil may mga bodyguard ako sa labas. “Tangina! Baliw ka ba?! Bakit mo ginawa ‘yon?! Bakit ka ba nandito, ah?! Pakialamero ka rin ‘no?!” galit kong sabi sa kanya. Gusto kong mapag isa kaya ako nandito pero bigla na lang sinira nang lalaking nandito sa aking harapan ngayon ang buong mood ko! Nakakagigil! Dagdag na naman ito sa pagkainis ko sa kanya. “Alam kong may problema ka,” seryoso niyang sabi sa akin. Natigilan ako sa kanyang sinabi at napakurap. “H-How did you know?” mahina kong tanong habang mangha pa rin na nakatingin kay Mave. Maliit siyang ngumiti sa akin bago muling sinagot ang aking tanong. “Maybe because I love you? Ayaw mo man sa akin pero kilalang kilala kita, Sabrina,” seryoso niyang sabi habang nakatingin sa akin. Ang lakas ng t***k ng aking puso. Alam kong may gusto siya sa akin pero hindi ko pala keri na sabihin niya sa harapan kong mahal niya ako, para akong nanghihina. Napalunok ako sa aking laway at napakurap sa aking mga mata. Kusang gumalaw ang aking mga paa palapit kay Mave at hindi ko na lang namalayan na nakayakap na pala ako sa kanya at sumiksik sa kanyang dibdib habang umiiyak. “Shhh…. Stop crying. I’m here for you,” malambing niyang sabi habang nakayakap pa rin sa akin. Mas lalo akong sumiksik sa dibdib ni Mave at doon pinalabas ng sakit na nararamdaman ko simula pa kagabi. Makalipas ang ilang minuto na pag iyak ko ay nahimasmasan na ako. kumalas ako sa yakap at pinunasan ang aking luha. Muli ko siyang tinignan sa kanyang mga mata at nagsalita. “You love me?” Napakura siya sa kanyang mga mata na parang nagulat sa aking tanong sa kanya. Inayos niya rin ang kanyang suot na salamin. “S-Sab—” “Answer my damn question!” Napalunok siya sa kanyang laway at tignan ako ng seryoso bago muling magsalita. “Oo, mahal kita. Mahal na mahal kita, Sabrina.” Parang lumundag ang puso ko nang sabihin niya iyon. Mas lumapit pa ako sa kanya lalo at hinaplos ang kanyang pisngi habang nakatitig sa kanyang mga mata. “Good. Then, you’re mine now.” Kumapit ako sa leeg ni Mave at hinalikan siya sa kanyang labi. Naramdaman kong natigilan siya sa aking ginawang paghalik sa kanya. Dahil bahagyang nakaawang ang kanyang labi ay ipinasok ko na ang aking dila at mas lalo pang pinalalim ang pag halik sa kanya. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko ngayon. Ang alam ko lang ay gusto kong ma angkin nang buo si Mave. Gusto ko siya sa tabi ko… gusto ko na kasama ko siya palagi. “Hinding-hindi ka na makakawala sa akin,” mahina kong sabi sa kanya sa pagitan ng aming paghahalikan. Simula no’n high school kami ay akin na si Maverick, hindi ko nga lang ito pinapansin at binabalewala ko lang, pero ngayon ay kukunin ko na kung ano ang akin. “Akin ka, Mave.” Muli ko siyang hinalikan. Mas pinalalim ko ang paghalik ko sa kanya hanggang sa bumigay na talaga siya sa akin. TO BE CONTINUED....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD