EPISODE 4 - Kiss

1148 Words
WAVES OF REGRETS MAVERICK’S LOVE MAVERICK’S POINT OF VIEW. “Pangit ba ako?” “No.” “Kapalit-palit ba ako?” “No—what?!” “Then, why?!” “Gago!” Binatukan ako ni Baste sa aking noo kaya napatigil ako sa aking pagsasalita at napahimas sa aking noo na binatukan ng aking kaibigan. “Bakit mo ginawa sa akin ‘yon?! Nasaktan na nga ako kay Sabrina, sasaktan mo pa ako lalo!” Pag da-drama ko. 'Di porket girlfriend na niya ang cheesecake admirer niyang si Gabriella ay sasaktan na niya ako nang ganito?! No! Katatapos lang namin ni Baste mag buhat ng mga sakong bigas sa palengke papunta sa tindahan ni Aling Lagring. Nandito kami ngayon ni Baste sa bakeshop at nagpapahinga bago kami umuwi sa aming mga bahay. “Itigil mo ‘yang pag da-drama mo! Hindi bagay sa ‘yo, Rick,” masungit nitong sabi. Napabuntong hininga ako at napatulala. Matagal ko na talagang gusto si Sabrina simula no’ng naging mag kaklase kami sa high school. Palagi ko siyang nakakalaban sa mga debates at hindi ko mapigilan na kiligin kapag nakikita ko na ang pamumula sa kanyang mukha sa inis sa akin kapag nasasagot ko ng tama ang aming mga debates. Simula no’ng araw na napagtanto kong may gusto na pala ako kay Sabrina Aik Generoso ay ginalingan ko na palagi sa klase dahil gusto kong magpakitang gilas sa kanya, pero akala ko ay magugustuhan na niya ako, hindi pa rin pala. Mas lalong nagalit sa akin si Sabrina at kapag nilalapitan ko siya ay para siyang nandidiri sa akin kaya hindi ko mapigilan na malungkot. Inaabot ako ng dalawang oras para lang mag ayos sa aking sarili at magpa-pogi para mapansin ako ni Sabrina pero wala pa rin akong napala. Hanggang sa nalaman ko na lang na boyfriend na niya ang basketball captain ng campus na si Jacob Caballero. Labis akong nasaktan at para akong pinagtaksilan ni Sabrina sa aking nalaman. Pero hindi ako sumuko, hindi ako nagpadala sa balitang iyon. Patuloy pa rin ang pag gusto ko kay Sabrina at patuloy pa rin ang pagpapakitang gilas ko sa kanya at palagi kong pinaparamdam na seryoso ako sa aking nararamdaman sa kanya. Hindi pa naman sila mag asawa ni Jacob kaya alam kong may pag asa pa ako ni Sabrina at maghihiwalay rin sila ng boyfriend niya. Playboy si Jacob at alam kong lolokohin niya lang at sasaktan si Sabrina at hindi ako makakapayag na mangyari iyon. Ayokong masaktan si Sabrina at ayokong umiyak siya. She deserves more, she deserves to have me. Aalagaan ko siya, mamahalin ko siya nang sobra at hindi ko siya ipagpapalit sa ibang babae. Hulog na hulog na talaga ako kay Sabrina. “May mali ba sa akin, Baste?” seryoso kong tanong sa aking kaibigan at humarap sa kanya. Napatigil siya sa pagkain ng tinapay at napatingin sa akin. Seryoso siyang umiling. “Walang mali sa ‘yo, Rick! Kay Sabrina, oo, tanga siya kasi hindi ka niya pinili,” seryoso niyang sabi at muling pinagpatuloy ang pag kain. Napabuntong hininga na lang ako at tahimik na rin na kumain. Kailan kaya ako magugustuhan ni Sabrina? Kaya ba ayaw niya sa akin dahil hindi ako mayaman, gwapo, sikat at bad boy na katulad ng boyfriend niya na si Jacob? Kaya ko naman siyang mahalin ng sobra at hindi ko siya ipagpapalit sa iba. Siguro hanggang pangarap na lang ako kay Sabrina. Sa sumunod na araw ay matamlay akong pumasok sa aming paaralan. Makikita ko man si Sabrina pero ma bu-bwesit naman siya sa akin. “s**t! Tangina! Bwesit!” Napatigil ako sa aking paglalakad nang marinig ko ang boses na iyon sa may tabi ng study shed. Hindi ako pwedeng magkamali, boses iyon ni Sabrina. Napagpasyahan kong pumuntahan na muna ito bago pumasok sa amimg building. Nang makarating na ako ro’n ay hindi ko mapigilan na manlaki ang aking mga mata nang makita ko si Sabrina na umiiyak pero may hawak siyang sigarilyo at hinihithit niya ito ngayon. “S-Sab?” tawag ko sa kanya. Nakita kong natigilan siya nang marinig niya ang aking boses. Mabilis siyang napalingon sa akin at tinago niya rin kaagad ang hawak niyang sigarilyo at tinignan ako nang masama. “What are you doing here?!” galit niyang sigaw. Hindi ako natinag sa sigaw niya. Seryoso ko siyang tinitigan ngayon. Kailan pa siya natuto na mag bisyo? Ito ba ang natutunan niya habang kasintahan niya si Jacob? Tangina! “S-Stop staring me like that! Ano bang kailangan mo?!” muli niyang tanong sa akin. Hindi ako nagsalita. Humakbang ako palapit sa kanya at mabilis na kinuha ang sigarilyo sa kanyang kamay at tinapon ito sa baba at tinapakan sa aking sapatos. Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha nang gawin ko iyon. “Tangina! Baliw ka ba?! Bakit mo ginawa ‘yon?! Bakit ka ba nandito, ah?! Pakialamero ka rin ‘no?!” galit niyang sigaw sa akin. “Alam kong may problema ko,” seryoso kong sabi. Natigilan siya sa pagsasalita. Mukhang nagulat siya sa aking sinabi sa kanya. Napakurap siya aa kanyang mga mata. Habang nakatitig ako sa mga mata ni Sabrina ay nakita ko ang labis na lungkot dito. Palagi man nag mamaldita si Sabrina rito sa campus ay alam kong may pinagdadaanan siyang malaking problema sa buhay niya. “H-How did you know?” mahina niyang sabi habang nakatingin pa rin sa akin. Maliit akong ngumiti sa kanya. “Maybe because I love you? Ayaw mo man sa akin pero kilalang kilala kita, Sabrina,” seryoso kong sa sabi habang nakatingin sa kanya. Akala ko ay sisigawan na naman niya ako pero hindi ako makapaniwala sa kanyang sunod na ginawa… humakbang siya palapit sa akin at niyakap ako. Hindi ako makahinga nang maayos sa kanyang pagyakap sa akin ngayon. Napakurap ako sa aking mga mata at tinignan siya. Hindi ko mapigilan na masaktan para kay Sabrina nang marinig ko ang kanyang pag iyak habang nakasiksik sa aking dibdib. Niyakap ko siya pabalik at hinagod ang kanyang likuran. “Shhh…. Stop crying. I’m here for you,” mahina kong sabi at hinalikan ang tuktok ng kanyang ulo. Makalipas ang ilang minuto na pagyayakapan namin ay kumalas na siya sa pagyakap sa akin at tinignan ako ng seryoso. “You love me?” seryoso niyang tanong. Napakurap ako sa aking mga mata at kinabahan. “S-Sab—” “Answer my damn question!” “Oo, mahal kita. Mahal na mahal kita, Sabrina,” sagot ko sa kanyang tanong. Muli siyang lumapit sa akin ag hinawakan ang aking mukha at bahagya itong hinaplos. “Good. Then, you’re mine now.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Sabrina, pero mas lalo akong nagulat at hindi makagalaw sa sunod niyang ginawa sa akin…. HINALIKAN NIYA AKO SA AKING LABI! TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD