bc

When it's Night time

book_age12+
32
FOLLOW
1K
READ
BE
kicking
mystery
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa paghahanap sa kanilang kaibigan ay napadpad ang grupo ng isang banda sa isang isla na hindi pinupuntahan ng mga tao.

Ayon sa isang katutubo, sa oras na pumasok ang sinuman sa isla ay hindi na raw ito makakabalik. Sa kabila ng paalala ay mas pinili nilang kamustahin at alamin ang kalagayan ng kanilang kaibigan.

Ngunit nang nasa isla na ay naranasan na nila ang sinasabi ng katutubo, at huli na rin para bumalik pa lalo na nang makita't maranasan na nila ang hindi nila inaasahang nangyayari pagsapit ng gabi.

May matira kaya sa kanila?

chap-preview
Free preview
SYNOPSIS
"Shhh... Please lang wag kayong maingay, baka marinig tayo, eh." Nanginginig na wika ni jake. "A-ano ba kasi 'yun? Anong meron sa labas?" Tanong ng nagtatakang si marcus. "Hindi ko rin alam. Hindi ko nga maintindihan ang nangyayari, eh." Sagot naman ni lucas. "Basta 'wag kayong gagawa ng ingay. Maghihintay tayo hanggang umaga bago tayo makalabas...Bukas, wala na 'yon " wika ni aldrin habang pinapanatag ang loob ng mga kasama. Sa Isang sulok naman ay mag isang tumatawa si rainer na parang nahihibang ito. Tila wala sa kanya ang mga nangyayari sa paligid at parang hindi siya kasama sa mga maaapektuhan. Lumakas ang pagtawa ni rainer dahilan para takpan ng kanyang asawa ang bibig nito. "Please lang cecil, takpan mong maigi ang bibig niya'ng asawa mo, huwag mo siyang hayaang gumawa ng ingay." Wika ng natatakot na si jake. Tinanggal ni rainer ang kamay ng asawa na nakatakip sa bibig niya. Hindi magawang bawiin ni cecil ang kamay dahil higit na mas malakas ang asawa niya sa kan'ya. "Oras na makita niya kayo, katapusan n'yo na... Dahil ang buong gabi ay sa kanya. Hahaha." Dahil sa takot na baka sila marinig ay dali daling lumapit si jake at siya na ang nagtakip sa bibig ni rainer. "P're, parang awa mo na... h'wag ka namang maingay, o." Pagmamakaawa ni jake. "Kapag napahamak kaming lahat dahil sa 'yo, maaatim ba 'yun ng konsensiya mo?" Tumawa lang si rainer habang nakatakip sa bibig nito ang kamay ni jake. Ang mga kamay naman niya ay pigil pigil ni cecil. Bigla silang nakarinig ng malakas na ungol sa labas na nahahawig sa isang mabangis na hayop at wari'y nagtatawag ito. Maya maya ay bigla na lang napasigaw si jake, huli na para pigilan pa niya ang boses niya. Agad niyang binawi ang kamay sa bibig ni rainer at hinimas iyon. Nang tingnan ay nakita niyang ang mga marka ng ngipin sa kanyang palad. Pagkatapos kagatin si jake ay hindi nila inaasahan ang biglaang pagtayo ni rainer at agarang pagtungo nito sa pinto. Mabilis niyang binuksan nang malaki ang pinto at huli na rin para mahabol pa nila ito nang mabilis itong tumakbo palabas. "Rainer!!" ******************************************* A/N: Ito po'ng istorya ito ay minsang naging laman ng panaginip ko at naisip ko itong isulat. Hindi ko po alam ang ending kasi nagising na 'ko kaya dinugtungan ko na lang at ginawa siyang isang istorya... anyway, sana mapagt'yagaan n'yo itong istoryang nakayanan ko. :⁠,⁠-⁠)

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mang Julio (SSPG)

read
55.8K
bc

Uncle Governor [SSPG]

read
158.6K
bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
34.9K
bc

Ang lihim ni Prof [SSPG]

read
22.2K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
322.1K
bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
47.5K
bc

The Forgotten Wife

read
43.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook