Woahh!! OrdinaryX, We love you!"
"OrdinaryX, we miss you!!"
"jake! Luke! Aldrin! Marcus!"
Samu't saring sigawan ang maririnig mula sa mga nagkakagulong fans ng bandang ordinaryX. Ang manager nilang si Megan ay napapatakip na lang ng tenga dahil sa mga hiyawan na mga fans ng kanyang mga alaga.
"Tara na kuya carding... ang sakit sa tenga." Utos ni megan sa driver habang kinukuskos nito ang loob ng kanyang tenga.
"Parang hindi ka na nasanay. Mula noon hanggang ngayon naman ay laging ganyan ang mga fans namin." Wika ni marcus.
"Nakakatuwa, ano? Hindi ko akalaing pagkatapos ng isang taon hindi pa rin tayo nalilimutan ng mga tao." Ani jake.
"Hmp! Kung hindi lang dahil kay... hay nako." Tila nanggigigil na wika ni megan.
Natahimik ang grupo.
Isang taon na ang nakalilipas nang masangkot sa iskandalo ang OrdinaryX nang dahil sa isa nilang miyembro.
Si Rainer Torres na isa sa dating miyembro ng grupo ay nahulihan ng mar****na nang minsang magsagawa ng surprise inspection sa isang TV show na nilahukan nila.
Sa nasabing TV show ay titira sa iisang bahay at ipakikita ang daily routine ng isang featured artist, at ang OrdinaryX ang guest nu'ng mga panahon na iyon.
Hindi inaasahan na ang surprise inspection na parte ng show ay maghahatid sa pagkakasangkot sa eskandalo ng grupo na ikinawindang ng manager nilang si megan.
Nang kunin at isalang sa imbestigasyon si rainer ay sinabi nitong hirap siyang makatulog sa gabi kaya naging dependent siya du'n.
Ngunit sa kabila ng pagdepensa ng kampo ng ordinaryX at dahil labag pa rin ito sa batas ay sinuspinde ang grupo at tinanggal ang miyembrong si rainer. Kaya ang grupo ay nawala sa sirkulasyon ng isang taon.
Ngayong nagbalik sila sa industriya ay hindi nila inaasahan ang mainit pa ring pagsalubong at pagtanggap sa kanila ng kanilang mga fans, at tila limot na nang mga ito ang nangyari.
Nang nagbalik ang grupo ay walang bumabanggit sa dating miyembrong si rainer maski isa. Tanging si megan pa lang ang kamuntikan nang bumanggit doon.
"Kamusta na kaya siya?" Wika ng napapaisip na si lukas.
"Oo nga asan na kaya 'yon ngayon? May balita ba kayo?" Ani jake.
"Hmp! Bakit n'yo pa ba iniisip ang taong 'yon? Kayo ba naisip niya nang magdala siya nu'n sa location ng show? Sarili niya lang ang iniisip niya." Mataray na wika ni megan.
Hindi na lang umimik pa ang apat. Naintindihan nila ang galit ng manager dahil malaki ang nawala sa kanila. Maraming shows, endorsement at gig nila ang napunta na lang sa iba sa loob ng isang taon nilang pamamahinga.
Hindi na muling binanggit pa ng apat si rainer.
Nagtungo sila sa condo ni megan at pinag-usapan ang susunod nilang proyekto. Kumpara noon, kokonti lang ang nakukuha nilang trabaho ngayon, ngunit para sa kanila ay mas mainam na ito kaysa sa wala silang gawin.
Sa ngayon ay kukunin muna nila ang tiwala ulit ng mga tao, bago sila gumawa ng mas marami pang exposure.
Pagkatapos mag usap sa condo ni megan ay magkakanya kanya na sila ng lakad. Nang papaalis na ay nakatanggap ng text messages ang tatlo maliban kay aldrin dahil siya ang sender nito.
Iisa lang ang laman ng text message na natanggap ng tatlo: "kita tayo sa blueray bar, maybe rainer needs our help."
Hindi nagdalawang isip ang tatlo dahil pare pareho naman silang nag aalala para kay rainer.
Nang umalis ito sa grupo ay matamlay at malungkot ito, at nang huli nila itong makita; nang inihatid nila ito sa pier ay hindi sinabi nito ang destinasyong pupuntahan niya. Magpasa hanggang ngayon ay wala silang contact kay rainer.
Nang magkita kita sa bar ay agad nilang pinag usapan si Rainer.
Markus: Anong plano mo aldrin, balak mo bang hanapin si rainer?"
Lukas: Alam mo na ba kung nasaan siya?"
Hinawi at Iniligpit ni aldrin ang ilang baso sa lamesa. Pagkatapos ay may inilatag siya. Nang tingnan nila itong mabuti ay nakita nilang isa iyo'ng mapa.
"Mapa‽" Sabay sabay nila lukas, jake, at markus.
"Tama, isa nga itong mapa." Paniniguro ni Aldrin.
Lukas: Teka, akala ko ba hahanapin natin si... wait, 'wag mong sabihing hahanapin natin si rainer gamit itong mapa?"
"Tama, dahil katulad n'yo hindi ko rin alam kung saan hahanapin si rainer. Guys, gusto kong malaman ang sitwasyon niya."
Biglang natahimik si aldrin at tila may malalim na iniisip. "Sa totoo lang napaniginipan ko 'yang si rainer... Sa panaginip ko, mukhang hindi siya maayos at mukhang wala siya sa sarili. Parang hindi na siya 'yung tulad ng dati."
"Aldrin, pare. Panaginip lang 'yan. Huwag mong pinag-iisip iyan." Ani markus.
Aldrin: Ewan ko ba. Basta, gusto ko siyang hanapin. Sasama ba kayo? Hindi ko kayo pipilitin kung ayaw n'yo. Kaya ko namang lumakad mag isa, eh."
Nag isip ang tatlo.
Lukas: Sasama ako.
Markus: Ako rin.
Jake: Ako na nga rin.
"Pero, teka. Saan mo naman nakuha itong mapang 'to?" Inunat ni markus ng maayos ang mapa at pinakatitigan iyon at siniyasat. "Dito ba 'to sa Pilipinas? Parang hindi ko 'to maintindihan."
Aldrin: Oo. Dito sa Pilipinas 'yan. Mahirap talagang intindihin 'yan dahil puro isla lang ang nakalagay diyan. May mga isla tayo na hindi kilala ng mga tao at hindi napupuntahan ng mga turista. Pero may isang islang..."
Biglang naalala ni Aldrin ang sinabi ng katutubong pinagbilhan n'ya ng mapa. "Ang sabi nu'ng katutubo, may isla raw d'yan na hindi pinupuntahan ng mga tao. May mga tao raw noon ang nagpunta doon... ang sabi n'ya wala pa raw nakakabalik."
Jake: "Woah! Creepy ha. Baka naman nakapag asawa na doon tapos doon na nila gustong tumira."
Markus: "Meron bang gan'tong mapang mabibili dito?"
"Wala... mahirap raw makakuha ng gan'yang mapa. Ayaw pa ngang ibigay sa 'kin 'yan, eh. Kasi wala naman daw mabibilhan niyan. Kung hindi pa 'ko nagbayad ng sampung libo, hindi pa 'yan ibibigay sa 'kin 'nung katutubo." Ani Aldrin.
S-sampung libo‽ Ang mahal namang mapa nito?" Wika ni jake habang tinitingnan ang mapa na animo'y ginto ito.
"Kung sigurado na kayong sasama kayong lahat sa 'kin, magpaalam na tayo kay megan."