"Sandali, meron kang hindi nililinaw, eh." Pigil ni markus habang maingat na tinitiklop ang mapa. "Paano mo nga pala nalaman na nasa isang isla si rainer?"
"Intuition." Matipid na sagot ni aldrin.
Biglang sumagot si lukas. "Kung sabagay, 'di ba nu'ng inihatid natin siya sa pier wala siyang sinabi kung saang probinsya siya pupunta?"
"So ibig sabihin, kaya hindi niya sinabi dahil mag i isla siya?" Ani jake.
"Meron pa 'kong clue... Hindi ba noon sinasabi ni rainer na plano niyang puntahan ang mga isla dito sa Pilipinas, lalo na 'yung mga desserted island?" Dagdag ni aldrin.
Napatango ang tatlo. Limot na nila ang sinabing iyon ni rainer dahil akala nila ay hindi ito seryoso.
Nagbago ang isip ni Aldrin at hindi na muna sinabi kay megan ang kanilang pag alis hangga't hindi natatapos ang susunod nilang trabaho.
Habang naghahanda para sa susunod nilang trabaho ay pinaghahandaan din nila ang kanilang pag alis.
Makalipas ang ilang araw ay nag guest ang OrdinaryX sa isang variety show at matapos nu'n ay sinabihan sila ng manager na pumunta sa isang hotel para pagplanuhan ang susunod nilang proyekto.
Excited si megan nang sabihin sa apat ang magandang balita. "Boys, guess what. Kinausap ako ng isang bigating producer at balak kayong ipag produce ng concert! Alam n'yo sa tingin ko, ito'ng concert na 'to ang magandang pang come back n'yo, ano sa tingin n'yo?"
Nagkatinginan ang apat. Hindi nila alam kung paano sasabihin sa manager ang plano nilang pag alis. Dahil mukhang masaya ang kanilang manager, ayaw nilang sirain ang mood nito. Nagsisikuhan pa ang apat kung sino ang dapat magsabi.
Tumikhim si Aldrin. "Um, kasi megan... Balak sana muna naming umalis bago magtuloy sa susunod naming project, eh."
"H-ha? Aalis kayo? Saan naman kayo pupunta?" Pagtataka ni megan. Hindi niya akalain ang biglang pagpapaalam ng apat.
"Sa... Kay rainer... balak kasi naming hanapin si rainer." Alanganing wika ni aldrin.
Nagtago sa likod si jake at palihim na tinakpan ang tenga. 'Sigurado armalite 'to' wika niya sa sarili.
"Ano‽‽ at balak n'yo talagang hanapin ang taong 'yon? Boys naman, may big project kayo. CONCERT ito CONCERT! Ipagpapalit n'yo sa a**k na 'yon‽" Talak ni megan.
"Megan please, stop saying that. Sa tingin ko hindi naman din ginusto ni rainer ang nangyari. Kaya tama na ang paninisi sa kanya mag move on na tayo, okay?" Mahinahong udyok ni aldrin.
"Hindi ginusto‽ Nang umalis ang taong 'yon wala siyang sinabing kahit na ano sa 'kin. Anong tingin niya sa 'kin? Nu'ng kinamusta ko siya dati tungkol sa insomnia niya, sabi niya ayos na raw, iyon pala..." Napahilot si megan sa sintido. "Alam n'yo, tingin ko sinadya niyang magdala nu'n, eh "
"Megan!" Awat ni aldrin. "Huwag namang ganyan megan. Hindi man nagsalita si rainer noon, alam naming nagsisi siya. Hindi naman siguro niya ginusto na masira ang grupo, 'di ba?"
Napatitig si megan kay aldrin at naibulong sa sarili 'kung alam n'yo lang.'
"So ano, aalis kayo? Ipagpapalit ba ninyo ang trabaho n'yo du'n? wala ba kayong pakialam sa mga effort ko? aalis kayo, pupuntahan n'yo ang taong 'yun, paano ako?" Sunod sunod ni megan.
"Megan, promise pagbalik namin itutuloy natin ang concert, pero sa ngayon hayaan mo muna sana kaming maakalis. Nag aalala lang talaga kasi ako kay rainer, eh" wika ni aldrin.
"Ikaw nag aalala, e ito'ng mga 'to, bakit kasama?"
Markus: "nag aalala din kami kay rainer kaya kami sasama kay aldrin."
Bumuntong hininga na lang si megan. Mukhang kahit anong sabihin niya ay hindi magbabago ang desisyon ng apat lalo na si aldrin.
Matiim namang nakaabang ang apat sa magiging desisyon ng manager.
"Sige na. Mukhang wala naman akong magagawa, eh. Pero, saan n'yo naman hahanapin ang taong 'yon?"
Sinabi ni Aldrin ang napag usapan nila sa bar at ipinakita din niya ang mapang nabili niya.
"Mukhang hindi nga kayo maliligaw kung may mapa kayo." Wika ni megan habang tinitingnan ang mapa.
"Kailan n'yo balak umalis?"
Aldrin: "Sa makalawa."
Guminhawa rin ang loob ni alrdrin. Ito talaga ang ipinag aalala niya na baka sa galit ng manager kay rainer ay hindi sila payagan nitong umalis. Habang panatag na ang loob ng apat ay hindi naman mapakali sa kanyang higaan si megan.
.......
"Si jake at markus, wala pa?" Tanong ni aldrin habang inilalagay ang mga gamit sa compartment ng sasakyan.
"Wala pa, eh. Si jake baka puyat na naman kaka online games." Wika ng tinatamad na si lukas. Nakasandal ito sa hood ng sasakyan at naghihikab. "Ang aga naman nating umalis, naputol tuloy 'yung panaginip ko."
"Sa biyahe mo na ituloy 'yung panaginip mo." Ani aldrin habang sinusubukang kontakin ang dalawa.
Maya maya ay may van na dumating at huminto sa likod nila. Tiningnan ito ni Aldrin sa pag aakalang si jake at markus ito.
Ipinagpatuloy na ni aldrin ang pag contact sa dalawa nang makitang hindi niya kilala ang dalawang lalaking bumaba sa van.
Lumapit ang dalawang lalaki. "Sir, sinabihan kami ni ma'm megan na samahan kayo sa pupuntahan n'yo. Ako po si ariel siya naman si tommy."
Natigilan si Aldrin at Lukas. Hindi nila akalaing pababaunan pa sila ng alalay ng manager. "Mukhang love na love talaga tayo ni megan, a! Mukhang biro lang 'yung nu'ng isang araw." Biro ni lukas.
Maya maya ay dumating na rin ang dalawa. "Sorry we're late, hehe." Naka ngising wika ni markus.
Lumapag ang eroplanong sinakyan nila aldrin sa isang maliit na airport. Madalang na madalang lang ang mga biyahe sa airport na ito, kaya hindi maiwasang manibago ang apat.
"Parang ghost airport 'to, a. Wala man lang akong makitang nagbibiyaheng kagaya natin." Ani markus.
"Meron naman. Sobrang dalang lang." Sagot ni aldrin.
Mula sa airport ay nagbiyahe sila papuntang pantalan. Marami rami nang tao doon kumpara sa airport.
"Ano ba'ng hinihintay natin? 30 minutes na tayo dito, a. Ang init pa naman." Reklamo ni jake habang pinupunasan ng kamay ang tumutulong pawis sa kanyang noo.
"And'yan na rin 'yun, hintay hintay lang." Wika ni aldrin habang lumilinga linga sa dagat. Maya maya ay may dumating na isang mabilis na bangka "Ayan na!"
"Craft boat‽"