"Ito ba ang sasakyan natin? Craft boat 'to, a." Urirat ni markus habang sinisiyasat ang naturang bangka.
"Oo, craft boat nga 'yan, pero mabilis 'yan." Ani aldrin.
Nag squat sa gilid si jake at ngumuso. "Akala ko pa naman magya yate tayo".
Pinagtawanan ni lukas at markus ang hitsura ni Jake. Para kasi itong inabandonang bata.
"Tara na guys! at mga dalawang oras pa ang ibibiyahe natin." Si aldrin.
Tinulungan sila aldrin ng operator na hakutin ang kanilang gamit.
Habang nasa craft boat ay pinag aaralan ni aldrin ang mapa katulong si markus, habang si Lukas ay nakikipag usap sa operator. Si jake naman ay mahimbing na natutulog sa likod dahil puyat ito, ang dalawa pa ay nagse selfie at panay kuha ng picture sa dagat.
"Bacor island? Ang dami daming isla, paano mo namang naisip na nasa isla ngang ito si Rainier? Tanong ni markus.
"Hindi lang ako sigurado pero kasi, nang binili ko itong mapa sa katutubo, tinanong niya ako kung saan daw ang punta ko at bakit kailangan ko ng mapa. Ang sabi ko meron akong kaibigan na alam kong nasa isang isla dito sa Pilipinas, hindi ko nga lang alam kung saan. Tapos..." Napakamot ng ulo si Aldrin.
"Tapos ano?"
"Tinulungan niya akong hanapin kung saang isla si rainer. S'yempre, dahil katutubo, baka may mga alam na ritwal 'yon, 'di ba? Kaya, pag-balik niya, sinabi niya na nasa bacor island si rainer."
"Pfft..." biglang natawa si markus. "Ano ka ba aldrin? Pinaniwalaan mo talaga ang sinabi ng katutubong 'yon? Hindi mo man lang naisip na baka niloloko ka lang nu'n?"
Hindi sumagot si Aldrin dahil kahit siya ay nahihiya sa pagiging utuin niya.
"Teka, magkano naman ang siningil sa 'yo?"
"Well, 'yun ang maganda dahil, hindi niya ako siningil. Ang sabi niya saka na lang daw kapag nagtagumpay na ako sa paghahanap kay rainer."
Nang nakakadalawang oras mahigit na ay nakaramdam na ng inip si markus. "P're dalawang oras na a, malayo pa ba tayo?"
Luminga-linga si Aldrin habang hawak ang mapa. "Nakakapagtaka naman. Tama naman ang direksyong tinatahak natin... Bakit gan'to?"
Pinatigil muna ni aldrin ang operator at pinag usapan ang direksyon.
Sa Malayu layo ay nakakita sila ng isang maliit na cargo vessel. Kumaway kaway sila para hintuan sila ng mga ito ay nang makapag tanong.
Kumuha pa ng telescope si markus at tiningnan ang mga sakay ng paparating na cargo vessel. Nanlaki ang mga mata ni markus ng makita nang malapitan ang maliit na cargo vessel. Dali dali niyang ibinaba ang kamay ng mga kasama at inawat ang mga ito sa pagkaway.
"Bakit Markus?" Tanong nila.
"Tara na dali!" Tinapik ni markus ang operator at minadali ito sa pag alis.
"Markus, anong nangyayari?" Tanong ni aldrin.
"Yung mga nakasakay du'n sa cargo vessel, may mga b***l, mga pirata 'ata!"
"Ano‽" Nagulat ang lahat nang marinig si Markus. Maging sila ay panay na ang apura sa operator sa pagpapatakbo nang mabilis.
"Bilis! Malapit na sila!" Wika ni jake habang inaalog alog ang operator.
Maya maya ay bigla silang nakarinig ng putok ng b***l. Napadapa ang lahat ng nasa bangka
"Tigil!" Sigaw ng mga nasa cargo vessel.
"Bilisan mo, huwag mo silang pansinin!" Utos ng natatarantang si jake.
Muling nagpaputok ang mga nasa cargo vessel. "Kung hindi kayo titigil, paputukan namin kayo!" Sigaw ng mga ito.
Walang nagawa ang operator kung hindi ang ihinto na lang ang craft boat.
Nang makalapit na ang cargo vessel ay nakita nila aldrin na armado nga ang mga ito. Nakaramdam ng takot ang anim maging ang operator.
"Lahat ng mga gamit n'yo, ihagis n'yo dito, dali!" Utos ng Isang balbas sarado habang nakatutok ang b***l kila aldrin.
"M-mga pirata nga sila... W-wow, ngayon lang ako nakakita ng totoong pirata." Sambit ni jake, tila pinalalakas nito ang loob.
Hindi nagdalawang isip sila Aldrin, agad nilang sinunod ang mga pirata.
Nang makuha na ang kanilang kailangan ay umalis na rin agad ang mga pirata. Walang natira kila aldrin kundi ang damit na suot suot nila.
"Pati 'yung mapa hindi nila pinatawad... pati 'yun kinuha rin nila." Napapabuntong hininga na lang si aldrin.
"Paano ngayon 'yan?"
Tila nawalan sila ng pag asa sa nangyari at mukhang mas lalo pa silang mahihirapang hanapin ang bacor island.
"Mga sir, tumigil muna kaya tayo sa isang isla para makapag pahinga at para mapahinga itong craft boat." Suhestiyon ng operator.
Agad namang pumayag ang apat.
Nang nasa isang isla na ay agad nawala ang dalawang lalaking ipinasama sa kanila ng kanilang manager kasama si jake at lukas, ang sabi'y mangha hunting daw sila ng makakain. Excited ang mga ito dahil bihira nilang maranasan ang ganitong pamumuhay.
Naiiling na lang si Aldrin at Markus sa kalikutan ng mga kasama. Ang operator naman ay nakasandal sa craft boat at natutulog.
Makalipas ang wala pang isang oras ay bumalik ang apat na may mga dalang kakaibang prutas.
Pinigilan sila ni Markus na kainin iyon sa pag aalalang baka may lason iyon.
"Aldrin, hanggang kailan tayo titigil dito?" Tanong ni markus.
Lumingon si Aldrin sa natutulog na operator. "Kapag nagising si mang jerry, aalis na rin tayo."
Lumipas ang ilang sandali at tumindi na ang sikat ng araw. Mga nakasilong ang iba, si Aldrin lang ang nakatayo malapit sa pangpang na wari'y may iniisip.
"Hoy Aldrin, sumilong ka muna dito baka mangitim ka niyan, baka humina ang bentahe mo!" Tukso ni markus.
Lukas: "Parang ang lalim ng iniisip ni Aldrin, ano?"
Jake: "Baka iniisip si rainer?"
Habang nakatanaw sa dagat ay may namataan si Aldrin sa malayo. Tinawag niya ang mga kasama.
"Naku! Hindi kaya pirata na naman 'yan?" Ani jake.
"Aldrin, mabuti pa, huwag na lang natin tawagin." Suhestiyon ni markus.
Pinaka titigan ni aldrin ang nakikitang bangka sa malayo. "Hindi, sigurado akong hindi pirata 'yan." Pagkatapos ay kumaway si aldrin sa bangka na nasa malayo.
Agad dinambong nila markus, jake at lukas si aldrin para pigilan ito. "Pare, tumigil ka!"
Pumalag si aldrin at pilit kumakawala.
"T-teka! Kiilala ko ang taong 'yun... siya 'yung katutubong nagbenta sa 'kin ng mapa!"