CHAPTER 4

1002 Words
"Ha‽" Gulat ng tatlo. Markus: "Bakit naman hindi mo agad sinabi?" Inayos ni aldrin ang sarili. "Bigla n'yo na lang akong kinuyog, eh." Nang malapit na ang bangka ay nakita nila markus ang isang may edad at maitim na lalaki, Kumaway ang nakasakay sa bangka at binati sila. "Ser pogi, nagkita uli tayo!" Nakangiting wika ng katutubo kay aldrin. "Kumusta manong efren, bakit pala kayo nandito?" Bati ni markus. Nang bumaba ang katutubo sa de motor na bangka ay biglang napahagikhik ng tawa si jake. "Ngayon lang ako nakakita ng naglalayag na naka bahag! Hahaha." Hindi pinansin ng katutubo ang sinabi ni Jake. Tila hindi niya narinig ito. Kinuha niya sa bangka ang isang lambat na may lamang ilang uri ng lamang dagat. Natakam sila markus, lukas at jake, maging sila ariel at tommy. "Tara ser pogi, lutuin natin itong huli ko tapos magkuwentuhan tayo habang kumakain." Ayà ng katutubo. Masaya silang nagtulong tulong sa paghahanda at pag iihaw, at habang kumakain ay panay ang biruan nila. "Manong efren, hindi n'yo pa sinasagot ang tanong ko kanina." Ani Aldrin. "Sa totoo lang wala talaga akong planong mangisda ngayon, ikaw talaga ang pakay ko. Kaya ko lang naisipang mangisda ay dahil nagbabakasali ako na makita kitang naglalayag dito." Wika ng katutubo. Nagulat si Aldrin. "Ako po ang pakay n'yo? Pero mang efren, hindi ko pa nahahanap ang kaibigan ko, eh. Sisingilin mo na ba ako?" "Hindi, meron lang akong dapat ibigay sa 'yo kaso, hindi ko 'yon nadala nu'ng huling magkita tayo... Sandali, ha." Tumayo ang katutubo at pumunta sa kanyang bangka. Nang bumalik ay nagulat si aldrin nang iabot sa kanya ng katutubo ang isang kahon ng paputok. "Paputok 'to, a. Bakit n'yo 'ko binibigyan nito?" Pagtataka ni Aldrin. "Hindi libre 'yan. Sigurado akong kakailanganin n'yo 'to at kapag nagamit n'yo na ito, saka ko kayo sisingilin." Napukaw ang atensyon ng iba sa paputok. Jake: "Aldrin, magpapaputok ba tayo kapag nahanap natin si rainer?" Sumagot ang katutubo. "Paalala lang, huwag na huwag ninyo itong gagamitin kung hindi kailangan. Maiintindihan n'yo rin kung gaano ka importante ito pagdating ng oras." Hindi man naiintindihan ni aldrin ay kinuha pa rin niya ang paputok. Bumaling ang katutubo sa iba. "Siya nga pala mga iho, sigurado na ba kayong pupunta sa bacor island? Ayos lang ba sa inyo kahit ikapahamak n'yo ang pagpunta doon?" "Hindi naman siguro kami mapapahamak mang Efren... Baka kasi nagigipit ngayon ang kaibigan namin at kailangan ng tulong namin, e. Kaya kailangan namin siyang mapuntahan." "Saka bakit parang siguradong sigurado kayo'ng mapapahamak kami? Hindi n'yo naman siguro ipinapanalanging mapahamak kami?" Tanong ni jake. Siniko ni markus si Jake at sinenyasang tumahimik ito. "Siya! Mukhang seryoso kayo sa mga desisyon n'yo, kung gano'n, huwag ninyo sanang kalimutan ang paalala ko,ha. Hindi basta-basta ang pupuntahan n'yo." Kinahapunan ay muling naglayag sila aldrin. Sa pagkakataong ito ay ginabayan sila ng katutubo para matunton ang bacor island. "Ser pogi, hanggang dito na lang ako. Mag iingat sana kayo, iyo'ng paputok, magagamit ninyo kung gusto n'yo akong tawagin. Anong malay n'yo baka nasa malapit lang ako, at sana... Magkita tayo na mga buo pa kayo. Paalam." Pagkatapos kumaway ay pinaandar na ng katutubo ang de motor na bangka at umalis na. Ang mga huling kataga ng katutubo ay nag iwan sa grupo ni Aldrin ng kakaibang pakiramdam at kilabot, na parang may laman ang mga sinabi ng katutubo. "H-hindi naman siguro niya tayo tinatakot, 'di ba?" Ani jake. Ipinagkibit balikat na lang ito ni aldrin at itinuon ang atensyon sa islang nasa harap nila. Nang bumaling ang pito sa isla ay hindi nila mapigilang ikumpara ito sa islang pinaggalingan nila. "Bakit ganito itong islang 'to, parang walang puwedeng mamuhay dito, a." Wika ni Markus. "Hindi lang 'yon, tingnan n'yo naman ang hitsura, dito pa lang sa labas mukhang nakakatakot na." Sagot naman ni lukas. "Tara na, baka gabihin pa tayo." Nagpauna si Aldrin para na rin magkaroon ng kumpiyansa ang mga kasama niya. Ngunit bago pa man makapasok nang tuluyan sa kasukalan si aldrin ay hinila ito ni jake. "Teka lang aldrin! Sigurado ka ba talagang nandito si rainer? Pa'no kung wala naman pala siya dito, anong gagawin natin? Nalalaman ni Aldrin na natatakot si jake sa sitwasyon nilang walang kasiguraduhan. "Jake, kung gusto mo, ipapahatid na lang kita kay mang jerry sa pier, hintayin mo na lang kami sa maynila." Tumanggi si Jake. Tila nakaramdam ito ng hiya na baka isipin ng mga kasama na naduduwag siya. Ipinagpatuloy na nila aldrin ang paglakakad. Sa b****a ng gubat na kanilang dinadaanan ay maraming nakalawit na mga baging na animo'y tinatakpan nito ang hitsura ng loob ng gubat. Hindi tuloy maiwasan ni Jake na makapag isip ng bagay na nakakatakot na nakikita niya sa mga horror films. "Wala naman sigurong mahuhulog na ahas dito, ano?" Pananakot ni Lukas. "Ano ka ba lukas, h'wag ka ngang ganyan, may natatakot na nga dito, e." Pang aasar ni markus sabay sulyap kay Jake. Mahaba haba din ang nilakad ng grupo ni Aldrin bago nila natunton ang kalaliman ng gubat. Sa gitna nang gubat ay may nakita silang parte ng lupa na inahit ang mga d**o na parang nagbibigay ito ng maayos na daanan ng tao. Tinahak nila ang daanang iyon at makalipas ang 40 minutes na lakaran ay natagpuan nila ang isang maliit na nayon. Natuwa si jake nang makita ang nayon. May ilang taong nagsisibak ng kahoy at may mga babae namang nagluluto. 'mukhang hindi naman pala nakakatakot ang islang 'to, mabuti't may mga tao' Dahan-dahang lumapit sila aldrin at nang mapansin sila ng mga gumagawang tao ay nagulat at nagtaka ang mga ito. 'saan galing ang mga taong ito, at bakit bigla na lang silang sumulpot?' "Sino kayo?" Tanong ng isang lalaking nagsisibak ng kahoy. Hindi lumapit nang husto sila aldrin dahil may hawak na itak ang lalaki. "Sandali, tatawagin ko si ka damian!" Wika ng isang lalaki. Maya maya ay dumating ang lalaki kasama ang isang matandang may tungkod.“Ako ang puno dito, sino kayo?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD