"Magandang araw ho..." Bati ni aldrin. "Mga taga maynila po kami. Pasensiya na po kung naistorbo namin ang pamumuhay n'yo."
Kumunot ang noo ng matanda. "Anong kailangan n'yo? Bakit kayo naparito?"
"May kaibigan po kasi kaming nawawala, napag alaman po namin na nasa isang isla siya, nagbabakasakali lang po kami na baka makita namin siya dito."
"Ang dami daming isla, bakit n'yo siya dito hinahanap? Hindi kaya mga pirata kayo?"
Nagkatinginan ang pito, tila nataranta naman si aldrin. "N-naku, Hindi po! Taga maynila po talaga kami. Wala lang po kaming maipakitang ebidensya sa inyo dahil nanakawan po kami ng mga pirata sa dagat."
Tiningnan ng matanda ang pito na tila sinisiyasat sila nitong mabuti.
"Sumunod kayo sa akin. Baka mga nagugutom kayo, meron kaming kaunting nailuto dito." Paanyaya ng matanda.
"S-salamat po, nag abala pa kayo." Nahihiyang wika ni aldrin.
Sinundan nila aldrin ang matanda at habang naglalakad ay siniko ni markus si aldrin at bumulong.
"P're, ayos lang ba na kainin natin ang pagkain nila? Paano kung lasunin nila tayo?" Dudang tanong ni markus.
Bago pa man sumagot si aldrin ay narinig nilang nagsalita ang matanda. "Huwag kayong mag alala, hindi namin kayo lalasunin... Kung gusto n'yo ay titikman ko ang lahat ng mga pagkaing ihahain sa inyo."
Nagkatinginan si aldrin at Markus pagkatapos ay pareho silang napayuko sa hiya. Ang iba nama'y nagtataka sa sinabi ng matanda.
Nang makaupo na sa mesa sila aldrin ay pinagsilbihan sila ng asawa ng puno ng nayon.
"Pasensiya na kayo dito sa nakayanan namin, ito na lang kasi ang natira matapos makakain ang lahat. Ang mabuti pa ay maghintay muna kayo sandali at ipagluluto ko kayo." Nakangiting wika ng asawa ng puno ng nayon.
"Naku, 'wag na po, nakakahiya."
"Ayos na po ito."
"Huwag na po kayong mag abala."
Sabay sabay na wika nila jake, markus, lukas at aldrin.
Natawa ang matandang babae. Kahit puro kulubot na ang mukha nito ay makikitang mabait at masiyahin ito.
Nang magtungo sa kusina ang matandang babae ay tumikhim ang puno ng nayon. "Bagaman, matagal na kami dito at hindi nagkaroon ng mataas na edukasyon kagaya n'yong taga siyudad, may mga moral naman kami at prinsipyo. Kaya, hangga't hindi kayo banta sa kaligtasan namin, itatrato ko kayong mabuti."
Napatango na lang ang grupo ni Aldrin. Hindi naman mapigilang mailang ni markus nang maalala ang sinabi kanina.
Nang makapagluto na ang matandang babae ay nagpasalamat sila aldrin at kumain.
Matapos kumain ay naupo ang puno ng nayon, kaharap sila aldrin. "Sino nga ba ang hinahanap n'yo?"
"Si Rainer Torres po, kaibigan namin. Halos mahigit isang taon na po namin siyang hindi nakikita. Wala din po Kaming balita sa kanya." Sagot ni aldrin.
"Rainer torres?" Nag isip nang malalim ang matanda. "Sandali... Ang alam ko ay may torres ding nakatira dito sa amin, pero hindi ko matandaan ang pangalan niya."
Nagkatinginan sila markus, lukas, jake at aldrin. Nasorpresa sila at natuwa sa narinig.
"T-talaga po? Puwede po ba naming puntahan 'yung sinasabi n'yo?" Excited na tanong ni Aldrin.
"Sige, sandali lang." Tumayo ang matanda at may tinawag na gumagawang lalaki sa labas. Kinausap niya ito. Pagkatapos ay tinawag ng matanda sila Aldrin.
"Iyong Torres na sinasabi n'yo, Ian po ang pangalan nu'n at hindi rainer." Sabi ng lalaking tinawag ng matanda.
Ang lalaking ito ay runner sa nayon kaya halos lahat ng tao sa maliit na nayong ito ay nakita't kilala niya na.
Na disappoint ang grupo ni Aldrin nang marinig ang sinabi ng lalaki. Ang akala pa naman nila ay makikita na nila ang dating kabanda.
"Puwede mo ba kaming dalhin du'n sa taong sinasabi mo? Gusto lang namin makasiguro." Ani Aldrin.
Sinamahan ng lalaki ang grupo nila aldrin sa isang masukal na parte ng nayon. Wala halos gumagawi at dumadaan dito dahil may mga dawag na puwedeng makasugat.
Nagtataasan din ang mga talahib sa gilid na mukhang ilang buwan nang hindi nalilinis at sa hitsura ng lugar ay mukhang walang sinuman ang gustong tumira dito.
"Sigurado ka bang may nakatira dito? Bakit sobrang sukal naman dito, baka may mga ahas dito, a." Tanong ni lukas sa lalaking nag ga guide sa kanila.
Napa linga linga si jake sa lupa nang marinig si lukas sa takot na maka engkuwentro nga ng ahas.
"Oo, maglulungga talaga ang ahas dito kapag hindi nalilinisan. Kasi ang balita ko nagkasakit si cecil, eh. Si cecil lang naman ang laging nagha hawan dito. May taniman kasi si ian at lagi siyang abala du'n. Kawawa naman ang asawa niya, lahat ng trabaho dito siya ang gumagawa. Tsk tsk tsk." Wika ng lalaki na parang naaawa sa nagngangalang cecil.
Hindi nagtagal ay narating nila ang isang kubo. Nasa 35 metro kuwadrado lang ang laki nito. Kahit maliit ay mukhang matibay naman ang pagkakagawa nito.
Nang tumingin sila aldrin sa paligid, nakakita pa sila ng tatlo pang kubo sa hindi kalayuan.
Kinatok ng lalaking nag guide kila aldrin ang pinto habang tumatawag ito. "Cecil! Cecil! Nandiyan ka ba?"
Nakakailang katok na ay wala pa ring nagbubukas ng pinto kaya sinibukan nilang sumilip sa bintana.
"Wala sigurong tao." Ani markus.
"Baka naman tulog." Wika ni Jake habang nagpipilit sumilip sa bintana.
Maya maya ay narinig nilang may umuubo sa loob.
"May tao!" Ani markus.
"Cecil, nand'yan ka ba?" Muling tawag ng guide na lalaki.
Narinig nila ang pagbukas ng pinto at nang tumingin sila ay nakita nila ang isang babaeng nakahalukipkip at naka jacket nang makapal.
Nakita ni cecil ang grupo ni aldrin pagkatapos ay bumaling siya sa runner ng kanilang nayon. "Ano 'yun randy? may kailangan ka ba?"
"Hindi ako...sinamahan ko lang sila." Sabay turo ni randy kila aldrin. "Hinahanap kasi nila si ian, eh."
Bumaling ang lalaki kay aldrin. "Sige kausapin n'yo na si cecil, aalis na 'ko."
Nagpasalamat sila aldrin sa lalaki pagkatapos ay lumapit sila kay cecil.
"Pasensiya na kung naistorbo ka namin, may hinahanap lang kasi kami... Ang sabi ni ka damian ay may lalaking nakatira daw dito na torres ang apelyido?"
Bahagyang nasorpresa si cecil. "Ano'ng kailangan n'yo sa asawa ko?"