"Wala naman kaming masamang intensyon. Gusto lang namin siyang makita, baka kasi siya 'yung hinahanap namin." Mahinahong paliwanag ni Aldrin. Iniingatan niyang hindi matakot ang babae.
"G-ganun ba? Mamayang hapon pa kasi ang uwi ni ian, e. Makakapaghintay ba kayo?"
Napaisip si aldrin. Alam niyang hindi dapat sila maghintay sa bahay ni Cecil lalo't nag iisang babae ito at puro sila mga lalaki. Hangga't maaari ay iiwas sila sa anumang issue lalo't nakikituloy lang sila sa nayon at sa islang ito.
"Hindi na, babalik na lang kami sa hapon. Pakisabi na lang sa kanya." Tugon ni Aldrin. Pagkasabi ay umalis na sila.
"Kamusta ang naging lakad n'yo? Naroon ba ang hinahanap n'yo?" Tanong ni ka damian nang makabalik sila Aldrin.
"Mamaya pa po ang uwi niya kaya babalik pa kami."
Nang bandang alas 5 ng hapon ay may lalaking bumabagtas sa kakahuyan na may dalang sako ng iba't ibang uri ng kamote. May sukbit itong itak sa kanyang bewang.
Walang ingay itong pumasok sa isang kubo. Dahan-dahan itong pumunta sa kuwarto. Nakita niya ang isang umbok sa higaan na natatakpan ng kumot. Inakala niyang tao iyon.
Ngunit bigla siyang nakarinig ng kaluskos sa kusina. Tumalim ang mga mata ng lalaki at dahan dahan siyang humakbang papuntang kusina.
Hinugot niya ang itak na nasa bewang at hinawakang mabuti na parang nakahanda siyang tagain ang kung sinumang tao ang nasa kusina.
Biglang itong bumungad sa kusina at iniamba ang hawak na itak, kasabay nito ay ang pag sigaw ng isang baabe.
"Ian, ano ba‽ Papatayin mo 'ko sa nerbiyos!" Galit na sigaw ni cecil.
Agad ibinaba ni ian ang itak at napakamot ng ulo. "Pasensiya na... Akala ko pinasok tayo ng magnanakaw, e."
Tiningnan nang masama ni cecil ang asawa, habang hinahagod ang kanyang dibdib. "Magnanakaw? Hindi mo ba naisip na naiiwan ako dito sa bahay palagi?"
Biglang naalala ni cecil sila Aldrin. "Oo nga pala, may mga lalaking nagpunta dito kanina hinahanap ka."
Nagtaka si ian. Wala siyang naging matinong kaibigan dito sa isla at pakiramdam niya ay ayaw ng mga tao dito sa kanya. "Sino daw sila? Bakit daw nila ako hinahanap?"
Napahawak sa kanyang noo si cecil. "Oo nga pala ano? Hindi ko 'yun natanong... Basta, bale apat na lalaki sila at mukha silang may kaya sa buhay. May mga hitsura sila at ang puputi at ang kikinis! Nakakainggit ang mga kutis nila."
Napaisip si ian. May mga taong pumasok sa isipan niya pero, inilingan lang niya iyon. 'imposible.' nawika niya sa sarili.
"Kumusta nga pala ang lagnat mo? bakit nagkikikilos ka kaagad, ang sabi ko magpahinga ka muna, e." Wika ni ian habang hinihipo ang noo ng asawa.
"Maayos na ako. Tumalab naman na 'yung gamot na ininom ko."
Pumunta si ian sa kusina at isa isang inilabas ang laman ng sako.
Napatitig si cecil sa asawa habang nililinis nito ang dalang mga kamote. Ito ang ihahapunan nila.
"Ian" tawag ni Cecil dito. Agad namang napalingon si ian.
"Wala lang... sana ganyan ka na lang lagi at sana... h'wag ka nang magbago."
Ngumiti lang si ian ngunit hindi nito naintindihan ang talagang kahulugan ng sinabi ni cecil.
Maya maya ay nakarinig ang mag asawa ng tumatawag na tao sa labas.
"O, and'yan na yata 'yung mga lalaking naghahanap sa 'yo. Wika ni Cecil. Pagkatapos ay nagtungo ito sa pinto.
Hindi namalayan ni Cecil ang biglang paninigas ni ian. Nanlaki ang mga mata nito nang marinig ang boses ng lalaking tumatawag sa labas. Ang boses ay pamilyar na pamilyar sa kanya at kahit tatlong taon lang niya itong nakasama ay sigurado siyang, siya nga iyun.
"Ian! Nandito na 'yung mga lalaking naghahanap sa 'yo!" Sigaw ni cecil habang inaakay papasok ng bahay sila aldrin at ang iba pa.
Hindi naman mapigilang makaramdam ng kaba nila aldrin. Kung hindi ito si Rainier ay magsisimula na naman sila sa paghahanap sa wala.
Kahit parang nanigas ang kanyang katawan ay dahan dahan pa ring lumingon si ian kila aldrin.
Nagitla sila nang makita ang isa't isa.
"R-rainer? Rainer! Ikaw nga! Sabi ko na nga ba!" Si aldrin ang unang nag react. Nilapitan agad nito si Rainier at niyakap.
"Rainer!"
"P're! Kamusta na!"
Naglapitan na rin sila jake, lukas at markus, at niyakap din si Rainier.
Tulala naman si rainer at tila hindi ito makapaniwalang nasa harap niya ngayon ang dating mga kabanda. Huli na ang naging reaksyon nito.
"Aldrin, lukas, jake, markus! Anong ginagawa n'yo dito? Ginulat n'yo 'ko, a!"
Nakatayo lang sa tabi si cecil at nagtataka. 'sinong Rainer? Magkakakilala sila?'
Masayang nagkamustahan ang apat at tila nalimutan na ng mga ito si cecil.
"A... I-ian? Kilala mo sila? Sino si rainer?"
Natigilan ang lima nang magsalita si cecil.
Lumapit si rainer, hinila si cecil at masaya niyang ipinakilala ang apat. "Cecil, sila nga pala ang mga naging kaibigan ko sa maynila. Siya si Aldrin, siya naman si jake, ito si lukas, ito naman si markus."
"Ito naman si cecil, asawa ko." Baling ni rainer sa mga kaibigan.
"Hi, Cecil. Kamusta!" Bati ng apat.
Alam na nila Aldrin na asawa ni Rainier si cecil. Bagaman nagulat sila nang malamang nag asawa na pala si Rainier, wala naman silang problema dito at madaling nila itong tinanggap.
Medyo nahiya pa si cecil nang binati siya nila Aldrin. Naisip niya na kung alam lang niya na kaibigan ito ng asawa, sana ay mas pinakitaan pa niya ang mga ito nang maganda at inasikaso sila.
"Wala ka man lang paramdam sa min, nag asawa ka na pala. Hindi mo man lang kami inimbitahan sa kasal mo." Sita ni jake kasabay ng pagsiko kay Rainier.
Napaayos tuloy sa kanyang sarili si cecil. Bigla tuloy siyang nag alala. Mga taga siyudad sila Aldrin kaya ano kaya ang masasabi ng mga ito sa kanya na isang taga isla lang. Matahin kaya siya mga ito?
"Pasensiya na. Alam n'yo namang malayo itong isla, saka walang signal dito. Isa pa, matagal na 'kong walang cellphone."
Tila may naalala si Rainier at nanahimik bigla ito. Napansin iyon ni Cecil kaya siniko niya ang asawa.