Kinabukasan ay nagkayayaan sila Aldrin, markus, lukas, jake at Rainer na mag inom matapos ang trabaho sa taniman. Maging sila Randy at ka ambo at mga nakakasama nila sa taniman ay inaya din nila.
Pumayag naman si ka ambo at nagbilin sa kanyang asawa na magkatay ito ng biik at magluto ng puwedeng ipulutan.
Sinenyasan ni cecil si rainer at wari'y tumututol ito. "Hindi naman ako iinom ng marami, hindi ako magpapakalasing." Wika ni rainer sa asawa.
"Pero..."
"Huwag kang mag alala cecil, pare pareho naman kaming may trabaho sa taniman kinabukasan, kaya maghi hinay hinay lang kami." Paniguro ni Aldrin.
Alanganin man ay pumayag na lang si Cecil lalo't nahihiya siya kila aldrin kung patuloy siyang kukontra.
Ngunit hindi ang kalasingan ni Rainier ang talagang ipinag aalala niya, kundi ang mas malalang puwede'ng mangyari oras na mapasa ilalim sa impluwensiya ng alak ang kanyang asawa.
"Sige, pero... Hanggang alas sais lang kayo, ha." Ani cecil.
"Alam ko. Hindi kami magpapa gabi, 'wag kang mag alala." Sang ayon ni Rainier.
"Tamang tama. Marami kang ikuk'wento sa 'min sa naging buhay mo dito." Ani markus.
Nang araw na 'yon, dahil may usapan sila; alas 3 pa lang ng hapon ay umuwi na sila galing sa taniman. Pagka uwi ay naroroon na ang ilang case ng beer na binili pa ni randy sa pier. Nagtulong tulong silang mag handa at magluto ng pagkain at ng kanilang ipupulutan.
"Sayang lang walang kuryente dito sa isla. Hindi tuloy tayo makapag videoke." Wika ni lukas habang tumutungga.
"Oo nga no? Nami miss ko na rin 'yung mga mga kanta natin... Siya nga pala aldrin, hindi na tayo nakakapag rehearse, baka kalawangin tayo niyan 'pag salang natin." Ani Markus.
Nagtaka ang mga kalalakihang naroon nang marinig iyon puwera sa lima at kay ariel at tommy na nakakakilala kila aldrin.
"Kumakanta ba kayo?" Tanong ni Randy.
"Oo naman!" Masiglang sagot ni Jake.
"Sumasayaw din kami! Isa kaming boyband group at OrdinaryX ang tawag sa 'min." Wika ni lukas.
Napamaang at napatitig kila aldrin, lukas, jake at markus ang mga naroon at parang hindi makapaniwala sa natukalasang propesyon ng apat.
"Talaga? Ang galing n'yo naman! Saan naman kayo kumakanta't sumasayaw?" Tanong ng isang lalaki. Hindi nalalayo ang edad nito kila aldrin.
Nagkatinginan at napangiti ang apat.
"Meron kaming manager at siya ang nag aayos ng mga projects at trabaho namin kung saan kami magpe perform. Kumakanta't sumasayaw kami sa mga TV shows, mall shows, sa mga concert at kung saan saan pa." Paliwanag ni Aldrin.
Napanganga ang mga naroon nang marinig iyon, maging si cecil na ang akala ay pangkaraniwang taga siyudad lang sila Aldrin. Hindi niya akalain na lumalabas pala ang mga ito sa telebisyon.
"Wow! E di mga sikat pala kayo?" Wika ng nasorpresang si Randy.
Napakamot ng ulo ang apat at tila nahihiya ang mga ito. Hindi nila alam kung dapat pa ba nilang sabihin na marami silang taga hanga at may pangalan sila sa industriya.
Habang nasa apat ang buong atensyon ng lahat, si Rainier naman ay tahimik lang na tumutungga sa kanyang kinauupuan. Hindi malaman kung ano ang iniisip nito at wala ring makikitang ekspresyon sa mukha nito.
"Actually, lima kaming miyembro. Ang isa'y... " Lumingon si jake sa kinaroroonan ni Rainer.
"Si Rainier. Kasama din sa grupo namin si Rainier."
Nagulat ang lahat at sabay sabay na napalingon kay Rainer. Sa totoo lang ay kung hindi pa binanggit si Rainier ay hindi maaalala ng mga naroon na kasama pala nila sa mahabang lamesa si Rainier.
Palaging ganito si Rainier kahit noong nasa grupo pa siya. Hindi pansinin ito at parang hindi nararamdaman ng mga tao ang presensya niya dahil introvert ito at laging walang imik. Kaya naman, masasabing sa kanilang grupo, si Rainier ang pinaka mababa ang karisma at popularidad.
May kakaibang kinang sa mga mata ni Rainier at ang emosyon'g bigla niyang naramdaman nang banggitin siya ni jake ay mabilis niyang ikinubli.
Nag angat ito ng ulo at ngumiti. "Noon 'yon. Wala na 'ko sa grupo at hindi na rin ako miyembro ng ordinaryX."
Bagaman nakangiti, naramdaman pa rin ni Aldrin na may pait sa tono ng pagkakasabi ni Rainer.
Natigilan si jake, lukas at Markus. Hindi agad nila naisip na maselan nga pala ang isyung ito kung bakit nawala si Rainier sa grupo. Nag aalala tuloy sila na baka may mag urirat pa ng dahilan.
"Um... Y-'yung pulutan natin baka lumamig at saka 'yung beer, baka mawalan na nang lamig." Putol ni markus.
"O-oo nga! Tara kumain na tayo... Hindi pa nga pala ako kumakain." Segunda ni jake.
Habang nag iinuman ay panay tanong ng mga lalaking naroon sa mesa tungkol sa naging buhay nila Aldrin bilang miyembro ng isang sikat na banda. Halos puro kaederan nila Aldrin ang mga nagtatanong.
Dahil walang kuryente sa isla ay walang koneksyon ang mga taong ito sa siyudad kaya kung anuman ang meron doon ay napag iiwanan sila.
Hindi na nagawa pang makipag kuwentuhan nila Aldrin kay rainer dahil hindi sila tinitigilan ng katatanong ng mga lalaki roon.
Bago pa man magdilim ay tulong tulong silang nagligpit ng mga kalat at pinag inuman nila.
Nang matapos sa pagliligpit ay lumapit si Aldrin kay Rainier nang papaalis na, at tinawag niya ito.
"Ayos ka lang ba? Kanina ka pa kasi tahimik e."
Hindi nilingon ni Rainier si Aldrin ngunit sumagot ito. "Oo, ayos lang ako."
Bumuntong hininga si Aldrin. "P're tungkol sa nangyari noon, galit ka ba sa 'min? Pasensiya na ha. Wala kaming nagawa nu'ng pinaalis ka sa grupo."
Kinuyom ni Rainier ang mga kamao. Isa ang pangyayaring iyon sa masakit na nangyari sa kanya nang napaalis siya sa grupo.
Nakaramdam ng iritasyon si Rainier. Hindi malaman kung dahil ba sa nakainom kaya siya nagkakaganito.
"Bakit mo pa 'yan tinatanong, Aldrin? Wala naman tayong magagawa dahil wala na ako sa grupo. Saka... 'yon naman ang gusto n'yo 'di ba? Ang mawala ako sa grupo, dahil baka masapawan ko kayo?"
Natigilan si Aldrin nang makita ang ekspresyon ni Rainier at nang marinig ang sinabi nito.