CHAPTER 9

1005 Words
"R-rainer?" Natigilan si Rainier at nagulat sa kanyang sinabi. Kanina lang, parang nawala siya sa sarili at hindi nagawang kontrolin ang kanyang emosyon. Napayuko si Rainier at napasabunot sa sarili. "Aldrin... Pasensiya na. Mukhang may tama na 'ko. Mabuti pa, bukas na lang tayo mag usap." "S-sige, magpahinga ka na. Baka napagod ka rin sa maghapong trabaho." Agad kinalimutan ni Aldrin ang mga nakita at narinig kay Rainier. Inintindi na lang niya ito at inisip na malamang ay hindi pa ito nakaka move on sa nangyari. Napabuntong hininga na lang si Aldrin. "Hindi natin nakausap at nakakuwentuhan si Rainer, a. Ayaw kasi tayong tigilan ng kakatanong nila randy, e." Wika ni lukas habang naglalagay ng kulambo sa kanilang higaan. "Oo nga. Aldrin, ulitin natin 'to, ha. Siguro dapat sa susunod 'yung tayo tayo lang muna." Mungkahi ni Markus. Nilingon nila si Aldrin dahil hindi ito sumasagot. Nakita nilang nakaupo lang si Aldrin sa may bintana habang tulala ito na nakatingin sa malayo. "Aldrin?" Tawag ni Markus. "Guys, ano sa tingin n'yo? Naisip n'yo ba na... Baka galit sa 'tin si Rainier kaya hindi niya tayo kino contact noon?" Tanong ni Aldrin. Nagkatinginan sila jake, Lukas at Markus. "May nangyari ba? Bakit mo naitanong 'yan?" Balik ni markus. "Sa 'kin, wala naman akong makitang problema kay Rainier, saka sa tingin ko, mu'kang natuwa din siya nu'ng nakita tayo." Ani jake. Bumaling si Aldrin sa mga kasama. "Siguro nga, no?... Tara na, matulog na tayo." Isinara na ni Aldrin ang bintana at nahiga na. Habang nasa higaan ay hindi maiwasang isipin ni Aldrin ang sinabi at ang hitsura ni Rainer kanina. Wala siyang planong sabihin ito sa mga kasama. Kinabukasan ay maagang nagtungo si rainer sa kubo nila aldrin para kausapin ito. Nang palabas na sila markus papunta sa taniman ay nakita nilang nag uusap nang masinsinan sila Rainer at aldrin. Habang naglalakad papunta sa taniman ay: "Anong pinag uusapan n'yo ni Rainier kanina? Parang ang seryoso n'yo, a" tanong ni Markus. "Wala 'yun, meron lang kaming sinabi sa isa't isa." Ani Aldrin. Habang nag aasikaso ng almusal ay napapatingin si cecil kay Rainer. Kagabi ay napansin niyang medyo madilim ang mukha ni Rainer pag uwi. Biglang nag alala si Cecil na baka muling 'sumpungin' si Rainer. Ito ang dahilan kung bakit ayaw niyang iinom ito. Kaya, hindi siya halos nakatulog lalo na nang makitang mulat mulat ang mata ng asawa kagabi sa higaan. Ngunit ngayong umaga lang ay napansin niyang maayos naman ito matapos manggaling kila aldrin. Kaya, nakahinga na nang maluwag si cecil. "Aldrin, hanggang kailan nga pala tayo dito?" Tanong ni Markus habang nagbubunot ng mga d*m*. Hindi agad nakasagot si Aldrin. Kahit siya ay hindi alam kung kailan sila uuwi. Pakiramdam niya ay parang may kung anong nag uudyok sa kanya na tumigil pa sa islang ito. Nararamdaman niyang may mali kay Rainier sa kabila ng kanormalang pinakikita nito, hindi nga lang niya matukoy kung ano iyon. "Hoy, p're, anong nangyari sa 'yo d'yan? hindi ka na nakasagot?" Tanong ni markus habang siniko nang bahagya si Aldrin. Humarap si Aldrin kay markus. "Pakiramdam ko kasi ay kailangan pa nating mag stay dito." "Mag i stay pa tayo? E mukhang ayos naman si Rainer, a? May problema ba sa kanya?" Napaisip si Aldrin. Hindi niya alam kung paano sasabihin kila markus ang mga napapansin niya. Hindi nila alam na habang nag uusap sila ay may nakikinig sa di kalayuan. Nang tanghali na ay dumating si ka damian kasama ang asawa. May dala dala silang kaldero ng kanin at ulam. Nag break sila at nag kainan kasama ang ibang manggagawa. "Mga iho, kailan n'yo nga pala balak bumalik sa inyo?" Tanong ni ka damian habang kumakain ngunit may kakaibang tingin itong ipinukol sa apat. "Um... Hindi pa po kami sigurado. Pag uusapan pa po namin." Wika ni Aldrin. "Tingin ko ay kailangan n'yo na agad makabalik sa inyo. Baka kasi... magsisi kayo kung hindi kayo agad umuwi." Ani ka damian Natawa si Aldrin. "Ka damian, bakit mo naman nasabi na baka magsisisi kami kung hindi agad kami umuwi? Parang may mangyayari naman sa 'min dito. Wala naman sigurong nagtatagong rebelde dito sa isla 'di ba?" Wika ni aldrin na hindi mawari kung may pinatutungkulan ba ang matanda o tinatakot lang sila. Ngumiti si ka damian para mapagtakpan ang kakaibang ekspresyon nito. "Oo naman. Wala talagang nagtatagong rebelde dito. Ang ibig ko lang sabihin, ay baka mapasarap kayo dito sa 'min at maisip n'yo na dito na manirahan, paano 'yung trabahong naiwan n'yo sa maynila?" "Ayos lang po 'yon, pinakiusapan naman po namin ang manager namin at pumayag naman po siya." Habang naglalakad pauwi ay naabutan nila Aldrin ang isang babae na nagpupulot ng mga natapong kalamansi at kamatis sa lupa. Napansin din nilang iika ika ang babae. Nilapitan ito nila aldrin at tinulungan. Nagpasalamat ang babae at nakisuyong tawagin ang kanyang asawa. Naisip ni Aldrin na sila na ang maghatid dito sa kanyang tahanan ngunit, naisip din nila na hindi yata tama na sila ang pumasan sa babae lalo't may asawa ito. Sinabi ng babae kung saan siya nakatira at ang pangalan ng asawa niya. Ang lumakad ay sila ariel at tommy. Nang unti-unti nang lumulubog ang araw ay napansin ni Aldrin na tila nababalisa ang babae. Tinanong ito ni Aldrin kung may problema. Sinabi ng babae na hindi sila dapat abutin ng dilim sa labas. "Lagi kong naririnig na bawal daw lumabas pag gabi, 'yung totoo may aswang ba dito sa isla?" Tanong ni markus. Hindi makapagsalita ang babae. Mahigpit silang pinagbilinan ni ka damian na mag ingat sa pagsasalita sa grupo nila aldrin. Natakot si jake nang ma imagine ang sinabi ni markus. Paano kung may aswang nga dito sa isla. Nagulat ang lahat lalo na ang babae nang bigla siyang pasanin sa likod ni jake. "Mabuti pa, ako na ang maghahatid sa 'yo. Ituro mo na lang sa 'kin ang bahay mo." Nang malayo layo na si jake; "hoy! Anong tinatayo tayo n'yo d'yan‽ Tara na!" Sigaw ni jake kila aldrin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD