Talia POV Hindi ko alam kung paano ko sisimulan kay Kael na may naka-set na kaming schedule, para sa pagsukat ng damit at pagpili ng mga abay sa kasal. Kanina pa dapat ako umuuwi, pero pinili kong maghintay. Tahimik lang ako sa gilid ng lobby, pinagmamasdan ang oras, hanggang sa sa wakas ay lumabas siya mula sa opisina. Napahinto siya nang makita ako. Kita ko agad ang gulat sa mga mata niya. “Bakit nandito ka pa?” tanong niya, mabilis ang lakad palapit sa akin. “Masama ba pakiramdam mo? Bakit hindi ka nagsabi agad kung may problema? Kahit busy ako, sabihin mo lang, okay?” May halong pag-aalala ang boses niya. Umiling ako. “Okay lang ako,” sagot ko, pilit na kalmado. “May schedule kasi tayo… para sa kasal natin.” Saglit siyang natigilan. Parang may aninong dumaan sa mukha niya, biglang

