Sa ilang araw na ikinikimkim ni Megan ang mga nangyari. Sa nanay ni RJ at sa nga sinabi ni Arlene sa kanya. Para na siyang mababaliw. Hindi niya alam sa bawat araw na gusto niyang sundan si RJ pagkaalis nito mula sa bahay papuntang trabaho ay hindi naman niya magawa. Parang mag nag-uudyok sa kanya na huwag niyang paniwalaan ang mga sinabi ni Arlene sa kanya. Kaya naman noong araw na iyun nakipagkita siya kay Mikey. Anytime naman pwede niya itong ayain dahil part time lang naman ito. At isa pa next week na alis nito pabalik ng Dubai. Siya kasi uuwi muna ng Cagayan. One week lang siya saka babalik na rin siya ng Dubai. Napagkasunduan nilang makipagkita sa mall ng kaibigan niya. Nakaupo siya sa chowking at hinihintay ito. Na agad naman niyang nakita ito sa bungad ng entrance. Buti nalang na

