Dalawang araw na ang lumipas simula ng nakabalik na sila ng Maynila. Pero parang lutang pa rin siya. Hindi siya makamove on sa naging encounter nila ng mama ni RJ. Parang pakiramdam niya kanina lang sila nagkasagutan nito. Mukhang hindi din naman nito sinabi sa anak dahil walang alam talaga si RJ sa bagay na iyun, dahil maging siya hindi niya rin sinabi. Hanggat kaya niyang magkimkim. Bahala na si Batman sa mga bagay na ganyan basta ang importante sa kanya ay ang ngayon. “Hon, alis na ako.” Ani ni RJ ng lalabas na ng pintuan. “Yung baon ko hon.” Ungot nito. Kaya bago ito umalis nilamukos muna niya ng halik ang binata. “Ayan na ha, parang bata.” Aniyang nakangiti. Pinisil muna nito ang kanyang isang bundok. Kaya nahampas niya ito sa braso. “Naku RJ kahit kailan talaga.” “Hon, mamaya

