Ang sarap sarap pakinggan talaga ng togtog sa headphone niya. Habang siya ay nagluluto. Di ko na mapipigilan by sexbomb. Napapakimbot pa siya habang napapakanta.
Sa isipan ko’y
Ikaw ang siyang gumugulo
Di mo lang alam
Ang nararamdaman ko
‘Pag ikaw ay nakikita
Ako’y nilalamig na sa kaba
At ‘pag di ko napigilan
Ako ay malulunod na sa saya
‘Di ko na mapipigilan ang kaligayahan na aking nadarama
‘Di ko na mapipigilan ang aking sarili na isipin ka
‘Di ko na mapipigilan na ika’y iwasan at kalimutan ka
‘Di ko na mapipigilan ang aking puso na ibigin ka
Nang biglang pihit niya, ay napatda siya nang makita si RJ papasok ng bahay. Nakatitig ito sa kanya.
Kanina pa kaya ito? Nakita kaya nito ang mga ginagawa niyang pagsasayaw? At ang pakanta kanta pa niya? Para siyang timang talaga, hindi niya mapigilan kung ano ang iisipin. Nakakahiya Megan?!
Kita niya ang paghagod ng tingin nito sa kanya sabay napapalunok.
Jusko! Mauubusan siya ng hininga sa pagragasa ng kaba sa dibdib niya. Parang may nagrarambulang daga sa loob doon.
Ano nalang ang iisipin nito?
Ba’t di niya naisip na uuwi nga pala ito sa gabi? Ano parang bahay niya lang? Bahay kaya ito ni RJ?
At tsaka ano tong nasuot niyang damit? Napakahalay. Ano nalang iisipin nito? Na inaakit niya?
Kaya napahinga siya ng maluwag na walang isang salita siyang narinig mula rito at dumiritso na ito sa loob ng kwarto nito.
Na-attract kaya ito sa kanya? Na katulad ng iniisip niyang kahalayan din dito.
Naku Megan! Hanggang maaga pa, itigil mo na ang kapraningan mo!
Kaya ipinagpatuloy nalang niya ang pagluluto. At sinabayan ng bilis, para makapasok na sa loob ng kwarto.
Maya mayay natapos na rin siya at binilisan niya na ang pagpasok sa kanyang kwarto. Pagkapasok ay agad niyang isinara at nagbihis.
Nagpalit siya ng pyjama na pantulog. At lumabas ulit. Papunta siya sa pintuan ni RJ at kakatukin niya ito para makapaghapunan.
Nang pagbuksan siya nito ay nakapaligo na. Napatigil siya dahil sa mabangong amoy ng sabon at shampoo’ng ginamit nito kasabay pa ng hubad ang taas nitong damit at naka-pyjama na naman. Kaya nagfifiesta na naman ang mga mata niyang nakatitig sa six pack ng binata.
Wow! Ang yummy naman talaga! Tulo laway na naman teh? Ikalawang araw niya palang dito sa bahay ni RJ pero nag-aalab na siya. Baka ma-eliminate na siya agad agad hindi pa siya nakaabot ni isang linggo.
“Ahhh kakain na tayo?” Tanong niya rito na nakatitig na sa mga mata nito.
At napatango naman ito.
Napakaseryoso talaga ang tingin niya rito. Minsan lang ngingiti.
Wala silang imikan habang kumakain.
“Ah bukas we are going to the bar. Me and Billy. Gusto mong sumama?” Anito ng patapos na itong kumain.
“Ahmmm kayo lang muna.” Aniyang patapos na rin sa kain. “Hinihintay ko kasi yung kaibigan ko papauwi galing Dubai. Naipangako ko kasi sa kanya na saka na ako papasyal pag-uwi niya. Kaya stay at home muna ako ngayon. Next na naman siya uuwi eh.”
“Okay! No problem.” Anitong tapos nang kumain pero nanatili paring nakaupo, at this time napatitig na sa kanya.
“But next week pwede na. Sasama kaming dal-“ napatigil siya sa panghuling nguya ng mapansing titig na titig ito sa kanya.
Ba’t nakatitig ito? May dumi ba sa kanyang mukha?
Ano ba RJ? Itigil mo yan?!
“Ah may kanin ka sa gilid ng bibig mo.” Anitong may senyas pa talaga, nilabas lang man nito ang dila sabay turo sa gilid ng bibig nito. s**t ang haba naman ng dila nito.
Parang maiihi siya sa isiping dila palang nito.
Kaya agad niyang pinunasan ang bibig niya. At tumayo na sabay talikod dito. Grabeh sobrang init na talaga ang nararamdaman niya.
Nagpunta siya sa lababo at kunwaring naghuhugas ng mga kamay.
Maya mayay nilingon niya ito.
“Ah tapos kana?” Aniyang pinuntahan ulit ang lamesa at nagliligpit ng mga pinagkainan.
Tumango naman ito at tumayo na.
Ba’t di pa ito tumayo kanina?
Jusko RJ naman!
Nagmamadali nalang siyang naghuhugas ng mga pinagkainan. Pagkatapos ay dumiritso na siya sa kanyang kwarto. At ito namay tembring nakaupo lang sa sofa habang nanonood ng movie sa Netflix.
NAKITA niya sa gilid ng mga mata niya na nagmamadaling pumasok ito ng kwarto.
MUkhang mali yata ang pag-alok niya na patirahin sa bahay niya si Megan. Dahil parang siya ang nahihirapan. Sa simpleng gesture nito ay parang naakit siya. Pero ito, ramdam niyang ilag na ilag.
Pagnahuhuli siyang nakatitig dito ay laging namumula, at umiiwas. Maging ang damit nito na napuna niya ay nagpapalit agad.
Kung ibang babae ito, baka bumigay na. O di kaya ito pa ang unang gagawa ng motibo. At kung ibang babae din ito at ganito ang gesture wala siyang pakialam pero sa kay Megan mukhang delikado siya.
Dahil siguro hanggang ngayon mahal pa rin nito ang ex nitong manloloko. At para sa isiping yun napakalaking gago ng hayop na iyun sa ginawa nito kay Megan. Pagkatapos kunin ang lahat at pagsawaan, naghanap pa rin ng ibang kalampungan at nakabuntis pa. Halos nandito na lahat ng katangian ipinagpalit pa.
Hindi siya makapagconcentrate sa panonood ng movie. Kaya pinatay nalang niya at pumasok ng kwarto.
Pabaling baling siya sa higaan hindi pa rin siya makatulog. Kaya naisipan niyang lumabas ng kwarto ulit at magpahangin sa terrace.
Pagkalabas agad niyang namataan ang mga nagkikislapang mga bituin sa langit maging ang bilog na bilog na buwan.
Kaya nilabas niya ang cellphone niya at in-open ang f*******:. Lilibangin niya muna ang sarili sa pagkakaupo sa may center table at chair doon habang nag-e-scroll sa kanyang newsfeed.
Hindi nakaligtas ang isang post ni Arlene doon. Isang larawan nito at may caption pa. Hindi na naman siya interesado dito. Pero dahil sa may anak sila kailangan niya pa ring pakitaan ng maayos na pakikitungo. Buti nalang hindi sila nagpakasal nito. Minsan na siyang nabulag sa pag-ibig, kaya hindi na niya hahayaang mabulag at maloko ulit.